Bukod sa mga mambabatas at Ina ng Quezon City na si Mayor Joy Belmonte, nagpahayag na rin ng suporta si Miss Universe 2018, Catriona Gray sa pamamagitan ng pagwagayway ng bandila ng LGBTQ+ sa kanyang Instagram post ilang oras pagkatapos ang nangyari sa transgender woman na si Gretchen Diez nang hindi siya papasukin ng janitress sa banyo ng Farmer’s Market Mall.

Base sa post ni Catriona.

“Last night’s incident involving a transgender woman being prohibited from using the woman’s washroom and resulting in being escorted off premises in handcuffs by local police only highlights further, the Philippines need for implementation of the #SOGIEEqualityBill.“LGBTQ+ rights are HUMAN rights - mga karapatang pangkaligtasan at kalayaan mula sa diskriminasyon, karahasan at pagmamalupit batay sa pagkakakilanlan. The incident happened in a city that has an existing anti-discrimination bill. Ibig sabihin, walang saysay ang isang bill na hindi maipatupad sa isang komunidad.Kasabay ng hinihinging pagpasa ng #SOGIEEQUALITYBILL, dapat din tayong humiling ng mga sumusunod bilang isang komunidad:“1. “Accessible forms of information for the public such as educational drives, programs and awareness campaigns”: para mas maintindihan natin ang mga pangangailangan ng LGBTQ+ community at para malaman natin ang mga bagay na maaari pa nating magawa bilang mga kaalyado o mga taong may awa sa kapwa.

“2. “A SOGIE workplace policy”: para sa lahat ng mga pampublikong tagapaglingkod at mga taong may impluwensiya sa komunidad. Gusto ko ring pagtuunan natin ng pansin ang katotohanang wala dapat makaranas ng anumang uri ng pagpapahiya at pang-aabuso (emotional, physical o sexual), LGBTQ+ man o hindi.“The whole argument of shifting the blame to the victim for reasons of being trans to justify abuse - is still victim blaming and IS NOT RIGHT. The blame should be on the perpetrators who should be held accountable and corrective actions should be taken (in last night case - points one and two above could greatly help prevent future similar incidents from happening).

Pelikula

'Mananapak na!' Claudine Barretto, gaganap bilang 'Inday Sara?'

“Ang LGBTQ + ay nakikipaglaban para sa kanilang mga karapatan - ang karapatan sa kaligtasan, proteksyon at pagkakapantay-pantay - ay laban din natin. #SOGIEEqualityNow.”

Pero may mga umalmang followers ni Catriona at nagbigay din sila ng panig nila.

Ayon kay @missregiena, “I am not against sa mga transgender na nagsi-CR sa mga CR specifically for Women. Hindi rin ako against sa pinaglalaban n’yo na equality. Just to be clear bago ako may itanong. The LGBTQ+ community is asking for respect; I give them the respect they are asking specially when using the female’s CR. But how about the women who are not that open minded pa, women who finds uncomfortable seeing LGBTQ+s using CR specifically for women? Some people can adjust easily, some cannot. I guess we should respect them also. Parang two-way respect. Just weighing the different feelings our community is having.

Sabi ni @joygaspar, “What about women’s rights? Anybody can just use the ladies room just because they’re dressed like ones? What if a rapist decided to dress as a woman so he can gain access to our toilets?

Komento ni @krisherica, “We are all being discriminated and abused directly or indirectly, bata man o matanda, lalaki man o babae. Bakit kailangan ipriority ng batas ang mga LGBTQ kung lahat naman tayo nangangailangan ng proteksyon at pangangalaga ng batas? This is so lame. Hindi lang LGBTQ ang BIKTIMA. LAHAT TAYO. Kung meron mang MAS nangangailangan ng batas pamproteksyon at anti-discrimination, ‘yun ay mga BATA. We can never insist them a “third-sex-education” na gustong ipaglaban ng SOGIE BILL na yan. LET US GIVE THEM THEIR FREEDOM. And I, thank you.”

May nagpayo naman na mas maraming isyu ng bansa na mas dapat pagtuunan ng pansin sabi ni @sogailicious, “Catriona, please stop. We supported you to be miss universe because of your advocacy but please not this. You have more respect for LGBT than women. There’s a lot of issue that needs to be addressed. You’re always talking about LGBT. Respect women.”

Hindi na namin nasulat ang iba pang magkahalong komento dahil tiyak na kukulangin ang espasyo.

-Reggee Bonoan