NASOLO ng Centro Escolar University ang pamumuno sa Group A matapos ang 86-77 panalo kontra AMA Online Education nitong Huwebes ng hapon sa 2019 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

SINAGASA ni CEU center Maodo Malick Diouf ang depensa nina Andre Paras, Aaron Black at Luke Parcero ng AMA sa isang tagpo ng kanilang laro nitong Huwebes sa PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. (PBA Images)

SINAGASA ni CEU center Maodo Malick Diouf ang depensa nina Andre Paras, Aaron Black at Luke Parcero ng AMA sa isang tagpo ng kanilang laro nitong Huwebes sa PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig
City. (PBA Images)

Nagsalansan si Senegalese center Malick Diouf ng 18 puntos, 23 rebounds, limang assists, at limang blocks upang pamunuan ang ikatlong sunod na panalo ng Scorpions.

Nag-ambag si Rich Guinitaran ng 16 puntos at dalawang rebounds, habang kumana si Dave Bernabe ng 13 puntos at 11 rebounds.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I think we just have to stay focused on our immediate goal, which is to make it to the next round or even make it to the top two,” pahayag ni coach Derrick Pumaren.

Hindi naging madali ang panalo para sa CEU matapos na tapyasin ng AMA sa pangunguna ni Aaron Black mula sa 17 puntos, 41-24, hanggang sa isa, 64-63,sa pagtatapos ng third period.

Nakaganti lamang ang Scorpions at kumamada ng 14-4 blast upang itaas ang kalamangan sa 78-67 may 5:04 pang natitira sa laro.

“We’re not focused on what were doing right now. We’re forcing a lot of shots, thinking about themselves, and that’s not us. We should be able to stick to the system no matter what,” ani Pumaren.

Muling namuno sa natalong Titans si Black na may 21 puntos, walong assists, pitong rebounds, at tatlong steals.

Ang kabiguan ang ikalawang sunod ng AMA na nagbaba sa kanila sa 1-3 marka.

Samantala, nakumpleto ng Iwalk ang matikas na paghahabol mula sa 23 puntos na bentahe para maagaw ang 113-103 panalo kontra Nailtalk-St. Dominic Savio.

Pinangunahan ni JP Belencion ang ratsada ng Chargers sa naiskor na 38 puntos, walong rebounds, at tatlong assists.

Nanaig naman ang Technological Institute of the Philippines kontra Black Mamba, sa pangunguna ni Russell Tan na kumana ng 25 puntos, tampok ang 5-of-7 sa three-point area.

Marivic Awitan

(Unang Laro)

CEU (86) -- Diouf 18, Guinitaran 16, Bernabe 12, Diaz 10, Murillo 8, Abastillas 4, Tuadles 4, Escalona 3, Sunga 3, Santos 3, Tagal 2, De Ocampo 2.

AMA (77) -- Black 21, Parcero 17, Tolentino 11, Santos 8, Paras 8, Fuentes 5, Alina 3, Catorce 2, Rodriguez 2, Asuncion 0, Estibar 0, De Leon 0, Saor 0, Germino 0, Martin 0.

Quarters: 21-12, 45-31, 64-63, 86-77.

(Ikalawang Laro)

IWALK (113) -- Belencion 38, Mangahas 18, Koga 12, Escosio 12, Bregondo 9, Cruz 7, Ax. Inigo 7, Lozada 6, Ac. Inigo 2, Parker 2, Canada 0, Taguinod 0.

NAILTALK-SAVIO (103) -- Doligon 32, Mienlam 22, Delos Reyes 16, Boac 11, Tenedero 10, Calomot 5, Arellano 5, Rublico 2, Ibarra 0, Diaz 0, De Leon 0.

Quarters: 26-31, 46-67, 79-80, 113- 103.

(Ikatlong Laro)

TIP (110) -- Tan 25, B. Santos 20, Carurucan 19, I. Santos 16, Sandagon 13, Daguro 6, Pasamante 5, Calara 4, Pinca 2, Ang 0.

BLACK MAMBA (99) -- Caranguian 24, Derige 17, Tayongtong 14, Gadon 12, Barua 10, Vidal 8, Carongoy 5, Bolos 4, Medina 3, Castro 2, Boholano 0.

Quarters: 27-17, 51-34, 87-74, 110- 99.