MARAMING successful projects na pinagbidahan ng female triplets sa entertainment industry, foreign man o local.

Prima Donnas

Sa Pilipinas, pinakasikat sina Sharon Cuneta, Dina Bonnevie, at Cherie Gil sa Sana’y Wala Nang Wakas, sina Manilyn Reynes, Tina Paner, at Sheryl Cruz ng That’s Entertainment, at sa DoReMi naman sina Donna Cruz, Regine Velasquez, Mikee Cojuangco.

Simula sa Lunes, Agosto 19, ipapalabas naman ng GMA Network ang heartwarming tale tungkol sa pamilya at pagmamahalan ng tatlong magkakapatid sa Afternoon Prime drama series na pinamagatang Prima Donnas

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Title rolers sa Prima Donnas ang tatlong budding young actresses na sina Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo. Narinig namin sa teaser ng series na buong pagmamalaking tinawag ang bagong triplets ng local showbiz bilang bagong mukha ng GMA-7.Sa napanood naming audio visual presentation sa grand media launch ng Prima Donnas last Sunday, ibinabalik ng Kapuso network ang traditional family drama. Itatapat nila ito sa Kadenang Ginto ng ABS-CBN na ilang season nang namamayagpag sa ratings, kaya si Gina Alajar ang kinuhang direktor na kagagaling sa successful primetime series na Onanay.

Mabibigat ang suporta ng Prima Donnas sa pangunguna nina Aiko Melendez, Wendel Ramos, Benjie Paras, Elija Alejo, Katrina Halili, at Chanda Romero.

Sadyang hinintay ng network si Aiko na humiling ng dalawang buwang bakasyon pagkatapos ng kampanyahan at eleksiyon.

Bilang Kendra Fajardo, siya ang main contravida na magpapahirap sa buhay ng lahat ng characters lalo na sa tatlong dalagita na hahadlangan niyang makilala ng mayamang lola na si Lady Primarosa Claveria na gagampanan ni Chanda.

For a change, gaganap na mabait si Katrina bilang surrogate mother ng triplets na ang tunay na magulang ay sina Jaime Claveria (Wendel) at Maita Claveria (Glaiza de Castro, in a special role).

Sina Jaime at Maita, na nahihirapang magkaanak, ang tanging tagapagmana ng famous at affluent Claveria Group of Companies.

Kinausap at binayaran nila si Lilian (Katrina) upang maging surrogate mother ng kanilang supling. Anak si Lilian ng kanilang most trusted house helper, at pumayag ito.

Ipinanganak nito ang magagandang sina Donna Marie (Jillian), Donna Belle (Althea), at Donna Lyn (Sofia) na magkakaiba ang ugali at mga katangian. Natural leader ang panganay, matapang at ambisyosa ang pangalawa, samantalang malumanay at laging tagapamagitan sa mga nakatatanda ang bunso.

Nagbago at nagkagulo ang buhay nilang lahat dahil sa sakim na managing direktor ng Claveria Group of Companies na si Kendra na naghahangad mapasakanya ang Claveria fortune.

Abangan natin kung matutupad ang hangarin ng GMA-7 na makuha ang atensiyon ng mga manonood sa pagbabalik nila sa old family drama with a lot of twist.

-DINDO M. BALARES