EL SEGUNDO, Calif. (AP) — Tinamaan ng lintik ang NBA career ni DeMarcus Cousins.

cousins

Matapos mabalahaw ang nais na kampeonato sa Golden State Warriors, lumipat ang nine-time NBA All-Stars sa Los Angeles Lakers para muling buhayin ang kampanyang maging kampeon.

Ngunit, tila may dumidikit na kamalasan sa 29-anyos forward.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nahaharap sa isa pang rehabilitation program at posibleng ma-sideline sa kabuuan ng season si Cousins matapis magtamo ng injury sa ACL sa kaliwang tuhod nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) sa isang practice game.

Ayon kay Jeff Schwartz, agent ni Cousins sa Excel Sports Management, pinag-uusapan pa ang proseso para sa surgery procedure at rhabilitation program.

“He was going to be a big part of what we’re going to do,” pahayag ni Lakers forward Kyle Kuzma.

Kaagad na nagpadala ng kanilang mensahe para suportahan si Cousins ang mga kaibigan at dationg teammates, kabilang si Pau Gasol.

“You will come back stronger brother,” aniya.

Ikinalungkot naman ni Golden State coach Steve Kerr ang kaganapan.

“Injuries are part of the game but when you are talking about a player who has now dealt with the two most feared injuries for NBA players — the Achilles and ACL — each basically knocking you out for an entire season, to deal with that over a 2 ½-, three-year span, it’s unheard of,” sambit ni Kerr. “So I don’t know. What a blow for him, for the Lakers. He’s going to have to process it all and start all over again.”

Matapos ang kampanya sa Warriors, lumagda ng isang taong kontrata su Cousins sa Lakers sa halagang US3.5 milyon.