WALONG gintong medalya ang kayang hakutin ng skateboardig para sa kampanya ng bansa sa nalalapit na 30th southeast Asian Games sa Nobyembre.

Sinabi ni Skateboard and Roller Sports Association of the Philippines (SRSAP) president Monty Mendigoria na kakayanin ng mga skateboard athletes na gaya ni Asian Games gold medalist Margielen Didal na magtagumpay sa biennial meet.

DIDAL kasama ang Pangulong Duterte.

DIDAL kasama ang Pangulong Duterte.

"Eight golds po para sa skateboarding for SEA Games," ayon kay Mendigoria sa panayam sa PSC Hour kahapon. "Hindi po ako nagmamayabang. It's just that i know our athletes. and I know kaya nilang makakuha ng eight golds for this para sa bayan," aniya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ni Mendigoria na tanging ang Thailand at Indonesia lamang ang kanyang nakikitang mahigpit na makakalaban ng bansa sa nasabing sports sa limang bansa na makakalaban ng Pilipinas, kabilang na ang Malaysia, Singapore at Myanmar.

"Actually magaling din sana ang Vietnam and Cambodia, kaso hindi sila magpapadala ng entry for SEA Games. So kaya alam ko na kakayanin natin na makakuha ng 8 golds from skatebaording," ani Mendigoria.

Samantala, nanawagan din siya sa mga Local Government Units (LGUs)  na simulan ang pagpapalaganap ng sports na skateboarding sa bansa sa pamamagitan ng pagpapaggawa ng skatepark sa bansa.

Ayon kay Mendigoria, sa pamamagitan ng pagpapakilala ng larong skateboarding sa mga kabataan ay posible umano na makapaghubog ng dekalibreng skateboard athletes ang bansa gaya ni Didal.

"This is the reason why I am going around the LGUs, proposing to have skatepark sa bawat barangay. The Olympics would like to tap new generation of athletes and skateboarding is a millennial sports,"aniya. Annie Abad