KAYA NATIN!
KAYANG maduplika ng Team Philippines ang overall championship sa 2005 SEA Games.
Mabigat ang laban ng atletang Pinoy, ngunit ayon kay Team Philippines Chef de Mission CDM William "Butch" Ramirez hindi malayamong makagawa ng isa pang himala sa 30th SEA Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre.
“Para sa akin, hindi imposible na mag-champion tayo. Bukod sa suporta ng sambayanan bilang host team mas determinado ang ating mga atleta. Malaki ang budget natin at talagang naibigay natin ang lahat ng pangangailangan sa kanilang pagsasanay sa abroad at kompetisyon,” pahayag ni Ramirez, Chairman din ng Philippine Sports Commission (PSC).
Sinabi ni Ramirez na naglaan ang pamahalaan ng P6 bilyon para sa atletang Pinoy.
"Alam naman ng ating mga atleta ang suporta ng sambayanan. Hindi tayo gagastos ng P6 bilyon kung alam nating walang paglalagyan ang ating kampanya,” aniya.
Iginiit ni Ramirez na tiwala siyang nagampanan ng mga lider ng iba’t ibang National Sports Association (NSA) ang responsibilidad para maihanda ang mga atleta.
"Every week, Monday and Tuesday we have been meeting Presidents and Secretary General of the NSAs. We try to set up the possible medal goals of each NSA,” aniya.
Kung sakali, tanging si Ramirez ang Chef of Mission ng Team Philippines na nagwagi ng overall title sa SEA Games sa dalawang hosting. Chairman din ng PSC si Ramirez noong 2005.
Kaya naniniwala siya na kakayanin ng bansa na nakuha muli ang overall championship gaya noong nakaraang biennial meet.
"We have to remove that idea na hindi tayo mag-cha-champion. There must be an ROI (Return of Investment), malaki yung ginastos ng gobyerno,”ani Ramirez.
Annie Abad