SUMAILALIM sa tatlong araw na Soldier Skills Orientation Training sina Gerald Anderson, Nash Aguas, Jerome Ponce, Yves Flores at Elmo Magalona sa Camp Tecson, Bulacan nitong nakaraang linggo bilang bahagi ng paghahanda sa gagawin nilang teleserye na A Soldier’s Heart.

Nash

“We knew if we graduated, we would have the privilege of being Philippine army reservist,” kuwento ni Gerald, ang nagsilbing company commander. “Alam namin na after nito this would also help us portray Philippine scout ranger in our TV series.”

‘Di makalimutan ni Nash ang napanood na Marawi siege video at iyon ang motivation sa pag-volunteer niyang sumali sa training.

Tsika at Intriga

Gretchen kumain ng 'piattos' habang pinanonood si PBBM: 'The New Teleserye'

“Parang World War II sa Marawi, habang nandito kami sa Manila clueless of what was really happening in our country,” sabi ni Nash, ang pinakabata sa grupo. “Isa ‘yun sa mga naging motivation. Sa maliit na paraan maipakita ko ‘yong suporta at pagmamahal sa bansa natin.”

Pero umamin si Nash na pinanghinaan siya ng loob na tapusin ang training.Sa kanyang Facebook page, ito ang makulay na paglalarawan ni Nash sa kanilang experience:

“Mahirap is an understatement to describe the training both physically and mentally. Physically mahirap dahil sa mga physical training tulad ng mag-rappel ka sa 40-feet tower, magmarcha ka sa bundok ng may 15-kg na bag plus rifle, patrolling (simulation ng engkuwentro sa kalaban), etc. Ang pinakapahinga mo ‘yung mase-mase (military exercise) at tusok ulo.

Mentally mahirap dahil suwerte ka na ‘pag may dalawang oras na tulog ka, matutulog ka sa putik habang umuulan, paparusahan ka kahit wala kang kasalanan.

Nu’ng nilagnat ako ang sagot mase-mase, kumakain kami ng sampung bilang nang nakadapa, ‘tapos nu’ng nahulog ‘yung pagkain ko sa putik ‘pinakain sa ‘kin ‘yun. FIRST NIGHT mag-quit na talaga ako to the point na tumakas ako para makatulog sa may bubong at makatawag sa bahay namin na sunduin na nila ako. Sa isip ko, ‘Bakit ba ako nag’volunteer?” hindi naman ako masel-masel para kayanin lahat ng matitinding physical activities.

Kapag ‘tinuloy ko papatayin ko lang sarili ko.“Pero kinausap ako nila Sargeant, na itong ‘MAHIRAP’ na ginawa namin, ito yung ‘NORMAL’ na buhay ng sundalo natin.‘Pag ikaw, nasa giyera, limited pagkain mo nalaglag ‘yung sa ‘yo, aarte ka at magpapakagutom?

‘Pag pinutukan ka ng kalaban kailangan mo dumapa, eh, ang natapat sa ‘yo tae ng kalabaw, magpapabaril ka kasi kadiri?’ Kaya lagi nila sinasabi sa ‘kin positive thinking lagi. Seeing the good in every shitty situation you are in (minsan literal).

Ang main point ng training is tatanggalin nila lahat ng civilian ways mo, pride, kaartehan, ego, etc., ‘tapos ibi-build ka nila to be a better person.

Dahil du’n at dahil na rin sa mga nakakuwentuhang kong sundalo na kasama namin sa klase, na nagkuwento ng kani-kanilang buhay, KINAYA ko.

Wala pa po sa kalingkingan ang ginawa namin pero napakalaki po ng naging epekto nito sa buhay namin. Habang buhay ko po babaunin lahat ng aral na itinuro sa ‘min ng ating mga sundalo.

Hindi po kaming mga artista ang dapat may fans, hindi po kami dapat iniidolo, kayo pong mga sundalo ang tunay na idol dahil sa panahon ngayon tayo mismong mga Pilipino nag-aaway-away, naghihilahan pababa, kayong mga sundalo ang may nag-aalab na pagmamahal sa mga Pilipino at sa ating bansa. Saludo po kami sa inyo.”

Napakarami nilang natutuhan at realizations habang sumasailalim sa training. Itinuturing ni Yves na karangalan at pambihirang pagkakataon ang naranasan nila.“The ranger training segregates boys from men,” seryosong pahayag ni Yves.

“Natutunan ko ang value ng discipline, camaraderie and the love for our country.”“Ang mga army, soldiers, rangers ang real heroes kasi wala tayong alam how they live everyday mula sa training hanggang sa battlefield. All they want is to make our country free and safe,” sabi ni Jerome.

Sumailalim sila sa iba’t ibang lectures, drills, at simulations para maranasan ang buhay-sundalo.“They showed us na kailangan mong mapagdaanan ito bago mo mapatunayan na gagawin mo ang lahat, ma’pagtanggol lang ang iyong bansa.

Ang pinakamahirap at pinaka-memorable sa training para sa akin, ay ‘yong pangatlong araw namin sa camp. ‘Yong pag-akyat namin ng bundok dala-dala ang bandolier, rucksack at mga baril namin,” kuwento naman ni Elmo.

“We performed a simulation at doon ko naramdaman ‘yong totality ng training namin, lahat ng ‘tinuro, you have to make sure to apply all of them because you and your squad will go down if you don’t,” aniya pa.

Dumanas man ng hirap na hindi nila nararanasan sa kanilang buhay bilang artista, natapos nilang lahat ang training, with flying colors. At umuwing baon ang mga bagong pananaw sa buhay.

-DINDO M. BALARES