NI EDWIN ROLLON

IBILANG ang MuayThai sa sports na mapagkukunan ng gintong medalya sa kampanya ng Team Philippines sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre.

Kumpiyansa si Muaythai Association of the Philippines (MAP) secretary-general Pearl Managuelod na makapagbibigay ng karangalan ang Muay fighters sa biennial meet bunsod na rin ng walang humpay na pagsasanay ng mga atletang Pinoy.

NAGBIGAY ng kanilang mga pananaw hingil sa katayuan ng kanilang mga sports sina (mula sa kaliwa) Pearl Managuelod ng Muay Thai, Lovely Orbeta ng Darts at four-time SEA Games boxing champion Josie Gabuco sa ‘Usapang Sports’ ng TOPS sa NPC.

NAGBIGAY ng kanilang mga pananaw hingil sa katayuan ng kanilang mga sports sina (mula sa kaliwa) Pearl Managuelod ng Muay Thai, Lovely Orbeta ng Darts at four-time SEA Games boxing champion Josie Gabuco sa ‘Usapang Sports’ ng TOPS sa NPC.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“There’s no doubt we will do well (in the SEA Games). Walang duda dyan na kaya natin. Target namin four out of nine events at stake in Muay,” pahayag ni  Managuelod sa kanyang pagbisita sa “Usapang Sports” ng Tabloids Organization Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros.

“Sigurado ako we will have medals in all nine events in the SEA Games, pero sa gold hindi ko masasabi,” sambit ni Managuelod, kagagaling lamang sa pag-aaral ng Sports Psychology sa University of Ottawa sa Canada.

Tumanggi si Managuelod na tukuyin ang mga atleta na may malaking tsansa sa gold medal para sa bansa.  “Sopresa na lang, baka ma-scout tayo ng mga kalaban.”

Sa pangangasiwa ng kanyang ama --  Ret. Gen. Lucas Managuelod – kumpiyansa ang mayuming dilag na may mararating ang Pinoy sa Muay maging amateur o professional.

“We are very strong, very aggressive in our grassroots development program. May regional championships, may national championships kami. Yun mga chapters namin around the country are also very active on their own,” pahayag ni Managuelod sa lingguhang forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Commuity Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.

“Madami kaming nire-recruit for our national team. In fact, we have 12 new athletes in our developmental team this year. Very strong ang muaythai team ngayon. Talagang hahasain namin sila. Very soon we will see the results,” aniya.

Ipinagpasalamat din niya ang suporta ng Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC) sa pagtaas ng antas ng kalidad ng sports Muay Thai sa bansa.

“Yung itinayong PSI (Philippine Sports Institute) ni PSC Chairman William Ramirez ay talagang nakatulong sa amin. Actually, dahil dito kaya nakapag-aral kami sa abroad sa Sports Psychology,” aniya.

Nakasama niya sa forum na nailabas din ng live sa Facebook, sa pamamagitan ng Glitter Livestream, sina four-time SEA Games boxing champion Josie Gabuco at two-time Southeast Asian Tour Darts champion Lovely Mae Orbeta.