MALAYO sa kaalaman ng sambayanan ang sports na Darts. Ngunit, may dahilan para pansinin ang sports – at isa na rito ang tagumpay ni Lovely Mae Orbeta.

Sa edad na 14-anyos, ang Grade 9 student ng Lakandula High School sa Gagalangin, Tondo, ang kasalukuyang No.1 rated player sa Southeast Asia.

NAGBIGAY ng kanilang mga pananaw hingil sa katayuan ng kanilang mga sports sina (mula sa kaliwa) Pearl Managuelod ng Muay Thai, Lovely Orbeta ng Darts at four-time SEA Games boxing champion Josie Gabuco sa ‘Usapang Sports’ ng TOPS sa NPC.

NAGBIGAY ng kanilang mga pananaw hingil sa katayuan ng kanilang mga sports sina (mula sa kaliwa) Pearl Managuelod ng Muay Thai, Lovely Orbeta ng Darts at four-time SEA Games boxing champion Josie Gabuco sa ‘Usapang Sports’ ng TOPS sa NPC.

Nakopo ni Orbeta ang titulo matapos magwagi sa Southeast Asia Tour kamakailan – ikalawang pagkakataon sa kanyang batang career.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

"Sana nga po mabigyan nang pansin ang sports ng Dart. Malaki po ang potensyal ng Pilipino rito at kung mabibigyan ng mas malaking suporta, kayang-kayan nating mapasok ang World,” pahayag ni Orbeta sa kanyang pagbisita kahapon sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports  (TOPS) sa National Press Club.

“I'm looking forward to my next tournament in Malaysia this weekend. Sana manalo po uli para talagang makakuha kami ng higit na atensyon,” ayon sa batang kampeon sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Community Basketball Association (CBA), NPC at HG Guyabano Tea Leaf Drinks ni Mike Atayde.

Inaasahan ni Orbeta ang matikas na pakikipaglaban ng mga kalahok, ngunit handa siyang ipaglaban ang dangal ng bansa.

"Magagaling din po yun mga kalaban ko dun,  pero puspusan naman pagsasanay ko sa tulong ni coach Jeffrey Roxas. Nagpapasalamat din po ako sa aking mga guro, especially sa aming Principal sa Lakandula High School at sa tulong ni Madam Frida Morelos ng Amber’s Best, " pahayag ni  Orbeta.

Bagama’t abala sa pagsasanay para sa kompetisyon,  tiniyak ni Orbeta na hindi naman nila napapabayaan ang kanyang pag-aaral.

"Tuloy-tuloy naman ang pag-aaral ko kahit naglalaro ako ng Darts ‘yun pa rin ang priority ko," sambit ni Orbeta,  mas kilala sa mundo ng Darts bilang ‘Bebang’.

Nakasama ni Orbeta sa nasabing forum sina Pearl Managuelod ng Muaythai Association of the Philippines at SEA Games boxing champion Josie Gabuco.

EDWIN ROLLON