NAGSANIB puwersa ang magkakapatid na Gilbert, Roneto at Rogelio Taopa para sa ilalargang 3rd Caine Knights Chess Tatlohan Chess Team Tournament 1950 limit rating sa Agosto 18 sa League One Southgate Mall sa Makati City.

Puspusan ang ginagawang paghahanda ng magkakapatid sa pamosong West Crame Chess Club kasama ang mga pambato na sina SSS top player Dioniver "Bobot" Medrano at journeyman Noel Jay "Super B" Estacio.

Pangangasiwaan ang torneo na inorganisa nina Ms. Caine Knights at Genghis Katipunan Imperial ni Fide National Arbiter Alexander “Alex” Dinoy katuwang sina Alfredo Chay, Joel Tatad at Jimson Linda.

Bawat koponan ay binubuo ng tatlong players na may average National Chess Federation of the Philippines (NCFP) rating na 1950 base sa July rating list.

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

Ang one-day National Chess Federation of the Philippines sanctioned tournament ay ipapatupad ang seven round Swiss System format na may 20 minutes via match point system at 5 seconds delay sa bawat manlalaro.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kina tournament organizers Ms. Caine Knights sa mobile number: 0995-680-1502 at Mr. Genghis Katipunan Imperial sa mobile number: 0926-251-4205.