INANUNSYO nitong Martes ng Office of the Provincial Agriculture (OPA) na ang fertilizer component ng Seed Exchange (SeedEx) Program ng Department of Agriculture (DA) ay maaari nang dumating anumang oras.
Sa isang panayam kay OPA Senior Agriculturist Ramona dela Vega, inilahad nito na inaasahan nila ang 178 sako ng urea at 278 na sako ng Triple 14 ngayon o sa susunod na linggo.
“We have already received the registered seeds from DA under the program,” pahayag nito.
Natanggap na noong Mayo pa, ayon kay dela Vega, ang mga registered seeds ng OPA at naipamahagi na sa mga magsasakang makikinabang, na sinanay kung paano itanim ang registered seeds at sumailalim sa isang oryentasyon tungkol sa Seed Exchange Program, na nagsanay rin sa mga magsasaka na magpabunga ng mga magagandang klaseng buto para sa distribusyon sa iba pang mga magsasaka.
“Under the Seed Exchange Program, there were 278 farmers in the province who were trained to plant registered seeds so that they could propagate the seeds and help other farmers be able to avail of it,” ani dela Vega.
Ang mga magsasaka mula sa 13 munisipalidad ay sinanay ng mga farm technicians mula sa DA Regional Office 6 sa ilalim ng Seed Exchange Program noong nakaraang taon.
Bilang bahagi ng programa, ang mga magsasaka ay binigyan ng isang sako ng registered seeds para sa bawat ektarya ng
“Farmers who were able to receive the registered seeds last month have already their palay on vegetative stage and so they could apply the fertilizers once they receive it,” dagdag ni dela Vega.
Mula sa mga bayan ng Pandan, Hamtic, Sibalom, Bugasong, Barbaza, San Remigio, Patnongon, Culasi, Tibiao, Laua-an, Valderrama, Sebaste, at ng kabiserang San Jose De Buenavista ang mga magsasakang nabiyayaan ng pataba.
PNA