Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

7:00 n.g. -- San Miguel vs TNT

TAPUSIN na kaya ng San Miguel Beermen o makahirit ng ‘do-or-die’ ang Talk ‘N Text Katropa?

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Kapit bayang basketbolista. Tiyak ang walang pugnat na aksiyon sa paglarga ng Game Six ng PBA Commissioner’s Cup best-of-seven Finals ngayon sa Araneta Coliseum.

Nakatakda ang duwelo ganap na 7:00 ng gabi.

AKMANG bubutatain ni Beermen import Chris McCullough ang opensa ng TNT Katropa sa isang tagpo ng kanilang laro sa Game 5 ng PBA Commissioner’s Cup Finals. Abante ang SMB, 3-2. RIO DELUVIO

AKMANG bubutatain ni Beermen import Chris McCullough ang opensa ng TNT Katropa sa isang tagpo ng kanilang laro sa Game 5 ng PBA Commissioner’s Cup Finals. Abante ang SMB, 3-2. RIO DELUVIO

Tangan ng Beermen ang 3-2 bentahe matapos maungusan ng SMB, sa pamumuno ni import Chris McCullough, sa 99-94 sa Game 5 nitong Miyerkoles.

Nagtala ang 24-anyos na import ng 35 puntos kabilang ang basket na nagbigay sa kanila ng 95-94 bentahe may 26.5 segundo ang  nalalabi bukod pa sa 22 rebounds, 4 assists at 3 blocks.

Ngunit, para kay McCullough, hindi importante ang nasabing basket kundi ang nakamit nilang panalo. At ngayon, nakatuon ang kanyang pansin at naka focus siya upang tulungan ang Beermen na matapos na ang laban.

“We’ll come ready to play and mentally locked in to get the win, and not let it go to Game Seven,” pahayag ni McCullough.

Bukod kay McCullough, aasahan din ni SMB coach Leo Austria sa misyong masungkit ang ikalawang sunod nilang titulo ngayong season sina Chris Ross, Alex Cabagnot, Arwind Santos, Christian Standhardinger, Terrence Romeo at Junemar Fajardo.

Para naman sa Katropa, muli namang sasandigan ni coach Bong Ravena sina import Terrence Jones, RR Pogoy, Don Trollano, Troy Rosario at Jayson Castro upang maitabla sa huling pagkakataon ang duwelo nila ng SMB at patuloy na buhayin ang tsansa nila sa korona. Marivic Awitan