AS of this writing ay nasa grand mediacon kami ng upcoming GMA afternoon seryeng Prima Donnas. Looking forward na ang Kapuso viewers na mapanood ang nakaaantig na kuwento ng tatlong magkakapatid.

Bibida sa serye sina Katrina Halili, Wendell Ramos, Chanda Romero, Benjie Paras, Elijah Alejo at Aiko Melendez at ang tatlong magkakapatid na sina Jillian Ward, Sophie Pablo at Althea Ablan.

Kuwento ito ng tatlong tagapagmana na mawawalay sa kanilang tunay na mga magulang dahil sa inggit at ganid ng iilan na hindi papayag na mapasakamay nila ang yaman at pagmamahal na dapat naman ay kanila.

Sa direksyon ni Gina Alajar, ipalalabas na ang Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime simula Agosto 19.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Samantala, matagal-tagal na rin palang nagdidirek ng mga teleserye ang mahusay na actress at direktor na si Ms. Gina Alajar, bukod pa sa pagdidirek niya ng mga pelikula at pagtanggap din ng acting projects.

Matapos bilangin kung ilan na ang naidirek niyang teleserye, itong Prima Donnas na ginagawa niya ngayon ay ikasampu na.

Kumusta naman ang tatlong teen actress?

“Mahuhusay sila, medyo nagkaroon lamang kami ng adjustment nang malaman naming ito palang sina Jilian at Sofia, malalabo ang mata,” kuwento ni Direk Gina bago nagsimula ang mediacon.

“Kapag kaharap lamang nila ang kausap nila, saka nila nakikita, kapag medyo malayo wala na, bulag na sila. Kailangan naming gawan ng paraan dahil hindi sila maka-deliver sa eksena. Pinagamit namin ng contact lenses, medyo mahirap din dahil mga bata pa sila. Kaya lamang nagkaproblema ulit dahil sa crying scenes hindi na sila makaiyak, naba-block ng lenses iyong luha nila para lumabas. Kaya kailangang alisin muna ang contact lenses bago mag-take ng crying scene, then ibabalik ulit. But mahuhusay talaga sila, later on, nang masanay na sila, sa tulong ni Chanda na gumagamit din ng contact lenses, may lubricant na ipinapatak sa eyes nila, hindi na nila kailangang tanggalin ang contact lenses, tuluy-tuloy na ang take namin.”

Dagdag pa ni Direk Gina, wala siyang problema sa kanila, “dahil nakikinig sila sa instructions ko” dahil sinabihan daw niyang dapat ay lagi silang nakikinig sa instructions para hindi paulit-ulit, lalo na kung mahirap ang eksena.

May special role as Maita si Glaiza de Castro bilang wife ni Jaime (Wendell) at ang ina ng tatlong Donnas.

Magaganap ang world premiere ng Prima Donnas sa GMA Afternoon Prime, simula sa Lunes, August 19, pagkatapos ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko.

Sa mga nagtatanong na mga OFWs kung paano nila mapapanood ang Prima Donnas, mapapanood ito sa GMA’s International channels, sa GMA Pinoy TV, GMA Life TV at GMA News TV international.

-Mercy Lejarde at Nora Calderon