TAMPOK country’s top youth woodpushers sa pangunguna ni Vincent Ryu Dimayuga na lalahok sa Open Kitchen Rapid Chess Tournament na tinampukang IM Joel Banawa Chess Cup sa Setyembre 1 sa Open Kitchen, Rockwell Business Center-Sheridan, Highwayhills, Greenfields District sa Mandaluyong City.
“I hope to do well in the Open Kitchen Rapid Chess Tournament,” sabi ng 10-anyos Grade 5 pupil ng De La Salle Lipa.
Ating magugunita na si Dimayuga, isa sa top players ng Lipa City Chess Nursery, nagwagi ng tatlong (3) gold medals at isang (1) silver sa 2017 ASEAN Age Group chess championships sa Kuantan, Pahang, Malaysia.
Makakasama ni Dimayuga sa event ay sina defending champion Angele Tenshi Biete ng Las Pinas City, Gladimir Chester “Rocky” Falconit Romero ng Tanauan City, Batangas, Mar Aviel Carredo ng Quezon City, Austin Klhoe ng Mandaluyong City, magkapatid na Ivan at Jericho Cu ng San Juan City maging ang magkapatid na sina Prince and Oshrie Jhames “OJ” Reyes ng Dila-Dila, Santa Rita, Pampanga.
Ang format ay seven-round Swiss System na may time control 10 minutes plus ten seconds increment na isinagawa bilang pagbi-bigay pugay sa namayapang si IM Rolly Martinez na suportado nina Ms. China Aurelio at Ms. Mimi Casas ng Open Kitchen, Phoenix Chess Academy, Mr. Danilo Ebao ng Three Knights Printing Services, ChiliJuan, Mr. Arturo Turbanada, Mr. Jeffrey Dimalanta at ni Ms. Emz Forrosuelo ng Otsuka-Solar Philippines Inc. (Pocari Sweat).
Ang Chief Arbiter ay si FNA Alexander “Alex” Dinoy habang ang assistant ay sina national arbiters Alfredo Chay, Miel Bautista, Israel Landicho at Byron Villar ng Chess Arbiter Union of the Philippines.
Makipag-ugnayan kay Mr. Genghis Katipunan Imperial sa 0926-251-4205 para sa dagdag na detalye.