Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

12 n.t. -- Perpetual vs San Beda (M)

2:00 n.h. -- JRU vs Mapua (M)

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

4:00 n.h. -- CSB vs LPU (M)

MARAMING ginulat ang St. Benilde Blazers sa elimination round ng NCAA.

MARAMING ginulat ang St. Benilde Blazers sa elimination round ng NCAA.

Standings         W   L

San Beda         5    0

CSB                 5    0

LPU                 5    1

Letran              5    2

SSC-R             2    3

JRU                 3    4

Perpetual         2    4

Mapua             2    5

Arellano          1    6

EAC                1    6

ITATAYA ng defending three-peat titlist San Beda University at sopresang  College of St. Benilde ang malinis na karta sa pakikipagtuos sa magkahiwalay na laro ngayon sa NCAA Season 95 Men's Basketball Tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Magkasalo sa pedestal ang Red Lions at Blazers taglay ang parehas na markang 5-0.

Unang sasalang ang San Beda na sasagupain ang University of Perpetual sa pambungad na laban ganap na 12:00 ng tanghali habang mapapalaban ang St.Benilde sa Lyceum of the Philippines University ganap na 4:00 ng hapon.

Huling tinalo ng San Beda para sa ikalimang sunod na panalo ang archrival Letran nitong Agosto 10 sa Cuneta Astrodome habang huling biktima ng Blazers ang season host Arellano Chiefs nitong Agosto 13 (82-77).

Inaasahang mabibigyan sila ng matinding laban ng kani-kanilang katunggali partikular ang Blazers na muling masusubok sa pagsalang nila kontra sa isa sa itinuturing na pangunahing contenders ngayong season.

Matapos ang di inaasahang kabiguan sa ikalawa nilang laban kontra Emilio Aguinaldo College Generals, rumaratsada rin at naka-apat na sunod ng panalo ang Lyceum na solo ngayong pumapangalawa sa hawak na 5-1.

Huli nilang tinalo ang katunggali ng Red Lions na Perpetual Altas noong nakaraang Agosto 8 sa homecourt ng huli sa Las Piñas City sa iskor na 87-85.

Inaasahang magiging mahigpit ang match-up sa pagitan ng backcourt ng dalawang koponan na may malaking bahagi sa naitala nilang winning run sa tapatan nina Jaycee at Jayvee Marcelino, Enzo Navarro at Reymar Caduyac para sa Pirates kontra kina Justin Gutang, Unique Naboa at Jimboy Pasturan ng Blazers.

Marivic Awitan