ILANG buwan na lang ang natitira bago sumabak sa kani-kanilang kompetisyon ang Binibining Pilipinas queens. Bunsod nito, mas lalo nilang pinaigting ang kanilang paghahanda upang maiuwi ang korona.

Ibinahagi nina Bb. Pilipinas-Universe Gazini Ganados, Bb. Pilipinas-Intercontinental Emma Tiglao, at Bb. Pilipinas-Globe Leren Mae Bautista ang kanilang naging paghahanda.

“The training I do is the everyday duties I have, charity works and sponsors’ events. I do my own make-up, my own hairstyle, so for me, it’s already a step forward. I’m very excited about it,” ani Gazini sa Balita habang nasa charity visit sa Children’s Medical Center kasama ang Dairy Queen.

Si Emma, na makikipagtunggali sa India ngayong Disyembre, ay nakatuon sa personality development training at communication skills.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sa kabilang banda, si Leren, na unang lalaban ngayong Oktubre sa Montenegro, ay super excited na.

“I’m excited undergoing training, for asarela, Q & A, communication skills, and personality development. I’m also working on my talent,” ayon kay Leren.

“For that portion, I want to incorporate our Filipino culture. It’s a surprise but definitely, there would be a piece of our culture there (in my talent showcase).”

Naantig sila sa pakikihalubilo sa mga kabataang nasa PCMC.

“Being able to see their smiles, despite having illness, they try to show that they can do it and they are strong. It’s heartwarming to see. It’s my honor and pleasure to be here with Binibining Pilipinas. It’s nice to support these kids despite the struggles they have,” lahad ni Gazini.

Nakatanggap din ang Cebuana beauty ng isang drawing mula sa isa sa mga pasyente at umaaasa siyang makagagawa pa sila ng mas maraming charity works.

“She’s so sweet, she’s one of the strongest kids I met here. She’s having her dialysis. I’m just so happy to be bringing an artwork from a kid who touched my heart.”

Pangunahing adbokasiya ni Emma ay ang kabataan. Isa sa mga treasured moments niya ay ang pakikipag-ugnayan sa mga pasyente sa kanilang hospital visit.

“We have to be strong for them. That’s where they draw their strength from. I’m family oriented. So, just seeing them makes me emotional,” sabi ni Emma.

Habang naging emosyonal na kinapanayam, naramdaman ni Leren ang inspirasyong makapagbahagi ng kaligayahan sa mga bata.

“They’re fighting for their life. Can you imagine their experiences? It’s not really easy for them. We’re very lucky to be part of this event, to be with them or interact with them, to know their stories, and be like an Ate to them,” aniya.

Nag-promote na rin si Gazini ng gaganaping exhibit ng Cebu designer na si Cary Santiago na gumawa ng kanyang Bb. Pilipinas gown, na ginawaran ng Best in Evening Gown award.

“The gown is so close to my heart. (The design) It’s a symbol of resiliency. We, Filipinos, are so resilient. Despite the fact that we experienced earthquakes and how we handled it,” ayon kay Bb. Pilipinas-Universe.

Dahil sa mainit sa suporta ng mga Pilipino sa ating mga international beauty pageants’ representatives, sinigurado ng Bb. Pilipinas queens na gagawin nilang ang lahat ng kanilang makakaya sa kumpetisyon.

“Thanks for always supporting us. I hope you pray for us for our upcoming pageants. Everybody please pray for our success. We’re doing our best to represent the Philippines,” anang Bb. Pilipinas-Globe.

Nais ni Emma na magkaisa ang lahat, instead of spreading hate.

“Thank you everyone. We wouldn’t be here without you. We’ll best represent the Philippines in the most authentic way we can. We’ll try our best to show the Philippines how lucky and how proud we are. I hope you continue supporting us. Sana wala ng hate, all love lang ang ibigay niyo. I hope you support us six queens,” sambit ni Bb. Pilipinas-Intercontinental.

Dagdag pa ni Gazini, nakakukuha rin siya ng suporta mula sa kapwa beauty queens. Nakatakda siyang lumaban ngayong Disyembre.

“I’m so happy and overwhelmed. I can’t explain how happy I am that all Filipinos are supporting us in the international arena. The least thing that we (fellow beauty queens) can do is to support each other. It’s not that easy to have that huge responsibility to raise our flag in the international arena,” aniya.

-KARENVALEZA