Ipinabatid kahapon sa publiko ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng Embahada ng Pilipinas sa Seoul, na naglabas ng abiso ang Korea Immigration Service–Ministry of Justice (KIS-MOJ) sa pagbabawal ng Korean government ng pagdadala ng mga animal products sa South Korea.

Ayon sa DFA, simula noong Hunyo 1, ang pagdadala ng animal products tulad ng raw meat, processed meat, canned meat, eggs at poultry products, milk at dairy products, pet food at supplies nito sa South Korea ay mahigpit nang ipinagbawal at kinakailangang ireport o ideklara sa quarantine office ng port of entry ang bawat maitatalang kaso. Ang hakbang ay para pigilin ang pagkalat ng malulubha at nakahahawang mga sakit gaya ng African swine fever, foot and mouth disease, at highly pathogenic avian influenza, alinsunod sa Contagious Animal Diseases Prevention Act ng South Korea.

Ang sinumang mabigong mag-report sa pagdadala ng animal products sa airports at seaports ay pagmumultahin ng KRW 10,000,000.00 (P428,571.04), at sa mga mabibigong magbayad ng multa ay pagbabawalang pumasok ng Korea o aalisan ng visa extension.

Pahayag pa ng DFA, ang lahat ng Pilipinong papasok ng South Korea bilang mga turista, manggagawa o residente ay pinapayuhang huwag magdala ng mga ipinagbabawal na gamit sa kanilang hand carried o checked-in luggage.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ang lahat ng hand-carried at checked-in luggage ng mga pasahero ay dadaan sa mahigpit na security screening sa airport terminals.

-Bella Gamotea