Inaalam pa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang detalye kaugnay ng pagkamatay ng isang Pilipinang domestic helper na umano’y nahulog mula sa ikaapat na palapag ng gusali sa Milan, nitong Agosto 13.

Base sa inisyal na ulat, naglilinis umano ng bintana ang 54-anyos na Pinay household service worker na hindi pa pinangalanan, nang biglang mawalan ng balanse at mahulog mula sa 4th floor ng bahay ng amo nito.

Mabilis na rumesponde ang mga awtoridad at isinakay sa ambulansiya ang Pinay para dalhin sa pagamutan subalit binawian ito ng buhay.

Ayon pa sa report, mag-isa lamang sa bahay ang Pinay habang nasa Greece ang kanyang mga amo nang mangyari ang insidente.

'Impeach Sara!' Ilang progresibong grupo nagkilos protesta sa harap ng Kamara

Sa Italy, kasama sa trabaho ng HSW ang paglilinis ng bintana ng bahay at establisimiyento na itinuturing na pinakadelikadong trabaho sa buong mundo dahil sa kawalan ng protective gear at kagamitan.

Batay pa sa ulat, isinasailalim na sa imbestigasyon ang amo ng Pinay HSW at posibleng maharap sa kasong culpable homicide dahil sa nangyaring insidente.

-Bella Gamotea