ISA itong mahirap na problema—kung paano tutukuyin ang regalo na isang suhol.
Ipinagbabawal ng Republic Act 3019, ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act, ang mga pampublikong opisyal sa “directly or indirectly requesting any gift, present, share, percentage, or benefit, for himself or for any other person, in connection with any contract or transaction between the government and any other party, wherein the public officer in his official capacity has to intervene under the law.”
Gayunman, sa isa sa mga seksiyon nito, itinatadhana ng batas na: “Unsolicited gifts or presents of small or insignificant value offered or given as a mere ordinary token of gratitude o friendship. According to local customs or usage, shall be expected from the provisions of this act.”
Nitong Biyernes, sa talumpati ni Pangulong Duterte sa selebrasyon ng ika-118 anibersaryo ng Police Service sa Camp Crame, inihayag nitong hindi niya ikinokonsiderang suhol ang pagbibigay ng regalo sa mga pulis at iba pang naglilingkod sa pamahalaan. “Well, if given as a gift, accept it,” aniya. “It cannot be bribery because it is allowed by law.” Dagdag pa niya: “I call upon you to keep your integrity intact as you uphold the highest ethical and professional standards in public service.”
Sa lahat ng ugnayan ng tao, tunay namang walang 100 porsiyento, walang kabuuan, walang ganap—kaya naman kinokondena natin ang totalitarismo at absolutismo sa pamahalaan. Ang mga Pilipino, partikular, ay kilala na maayos makitungo sa ibang mga tao, dahil nakikibagay tayo para sa iba’t ibang opinyon, kaugalian, politikal na pananaw, at kultural na oryentasyon.
Kaya naman nagtataas ng kilay ang mga mamamayan sa mga batas, regulasyon at gawain na may elemento ng totalidad—tulad ng death penalty. Hindi dapat gamitin ang mga pampublikong lansangan para sa pribadong gawain, ngunit sa panahon ng Pasko, pinapayagan ng mga mayor ang mga vendor na maglagay ng kanilang maliit na negosyo sa mga bangketa. May tiyak na panuntunan sa paglalabas ng mga produkto sa customs, ngunit mapabibilis ang proseso kung mahihiyakat ang isang opisyal na mag-overtime sa trabaho. Dapat na hindi magbigay-benepisyo sa mga mambabatas ang kanilang batas na ipinapasa, ngunit tiyak na nais nilang magkaroon ng daan o kalsada sa kanilang distrito na maisasama sa pangkabuuang programa ng pamahalaan.
Ang mga ito ay paminsan-minsan na eksepsyon mula sa normal na takbo ng pagpaplano at aksiyon sa pamahalaan. Marahil kung ang eksepsyon na ito ay nagiging panuntunan, kapag naging sistematiko dahil, sa presoso nito ay may pribadong nakinabang, ang orihinal na aksiyon ng pagiging mapagbigay at pasasalamat ay nagiging isang uri ng kurapsyon.
Tunay namang mahirap matukoy ang pagkakaiba ng isang pagbabago mula sa isa. Malaki ang nakasalalay sa kabutihan ng tao, sa taglay na kabutihan ng isang indibiduwal na opisyal. Umaasa tayo na mas marami tayong mabubuting opisyal kumpara sa mga nais manamantala ng anumang sitwasyon para sa personal na kapakinabangan.