Arestado ang isang babae, makaraang kunin ang pitong buwang sanggol mula Navotas City, at dalhin sa kanyang bahay sa Maynila.

MUGSHOT_CHILD

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Teresita Alfaro, 56, residente ng Barangay Tangos South sa Navotas.

Sa salaysay ni Rodalyn Tobias Ortis, 33, lumabas umano suspek, na kapitbahay niya kasama ang kanyang anak, nitong Lunes para maglaro. Ngunit makalipas umano ang ilang sandali, napansin na umano ni Ortis na nawawala na ang dalawa, dahilan upang agad niyang iulat ang insidente sa Navotas City Police Station Women and Children's Desk.

Politics

Barbers, 'di sang-ayon sa pahayag ni Tiangco tungkol sa pagkatalo ng Alyansa: 'Misleading!'

Ayon kay Col. Rolando Balasabas, Navotas Police chief, maaaring iniuwi ni Alfaro ang bata dahil sa “na mi-miss nito ang pag-aalaga ng bata, lalo’t nasa edad 20 na ang mga anak nito.

Nitong Martes dakong 7:30 ng gabi, nakatanggap ng tip si Ortis na namataan ang kanyang anak at ang suspek sa bahay nito sa Barangay 160, sa Maynila.

Agad namang inaresto ng mga opisyal ng barangay ang suspek na kalaunan at itinurn-over din sa Navotas police.

Naibalik rin ang bata sa kanyang ina, at hindi nakitaan ng anumang sugat.

Nasa kostudiya na si Alfaro ng pulisya, at mahaharap sa kasong failure to return a minor in relation to Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.

-MINKA KLAUDIA S. TIANGCO