Mga Laro Ngayon

Ynares Sports Arena, Pasig

1:30 n.h. -- Black Mamba vs TIP

3:30 n.h. -- AMA vs CEU

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

5:30 n.h. --  iWalk vs Nailtalk-Savio

MAKAMIT ang ikatlong sunod nilang panalo para sa solong pamumuno sa Group A ang pupuntiryahin ng Centro Escolar University sa pagsalang ngayon sa pagpapatuloy ng 2019 PBA D League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

ceu

Nakatakdang sagupain ng Scorpions na kasalukuyang kasalo ng Marinerong Pilipino sa liderato ng kanilang grupo hawak ang markang 2-0, panalo-talo ang AMA Online Education sa ikalawang laro ganap na 3:30 ng hapon.

Mauuna rito, magtutuos sa unang salpukan ganap na 1:30 ng hapon ang Black Mamba at Technological Institute of the Philippines.

Kukompletuhin naman ng tapatan ng mga baguhang iWalk at Naitalk-Savio ang nakatakdang triple bill sa kanilang paghaharap sa tampok na laban ganap na 5:30 ng hapon.

Huling tinalo ng CEU para sa ikalawang dikit nilang panalo ang Naitalk noong nakaraang Agosto 8 sa iskor na 107-46 at sa parehas ding petsa nalasap naman ng makaddkatunggali nilang AMA ang ikalawa nitong talo sa kamay ng Marinero, 82-91.

Sa unang salpukan, target naman ng Black Mamba na dumikit sa namumunong BRT Basilan-St.Clare sa Group B sa pagsagupa nila sa TIP Engineers na kababalik pa lamang sa winner's circle matapos padapain ang Italiano Homme,133-98 sa nakaraan nilang laban.

Samantala sa huling laban, back-to-back win din gaya ng Black Mamba (1-0) at TIP (3-1) ang target ng iWalk Chargers (1-1) sa pagharap nito sa Nailtalk Savio na hangad namang makamit ang unang panalo pagkaraang mabigo sa unang tatlo nilang laro.

Kasalukuyang may barahang 3-1, kung magwawagi ang TIP ay sigurado ng pasok sila sa susunod na round.

"We're already looking ahead. Right now 3-1 kami, so I think we have one foot in the door already sa playoffs. We want to prepare for the playoffs already as early as now," wika ni Engineers coach Potit De Vera. Marivic Awitan