PANGUNGUNAHAN nina Prince Albert Pagara at kapwa ALA fighter Jeo Santisima ang ratsada ng Team Philippines sa 46th edition ng Pinoy Pride series sa Agosto 17 sa Ormoc City Superdome.

PAGARA: Asam makabalik sa world ranking.

PAGARA: Asam makabalik sa world ranking.

Haharapin ni Pagara si knockout specialist Ratchanon Sawangsoda ng Thailand sa main event, habang mapapalaban si Santisima kay Alvius Maufani ng Indonesia.

Kasalukuyang WBO intercontinental super bantamweight titlist si Pagara at galing sa limang sunod na panalo mula nang mabigo kay Mexico’s Cesar Juarez via 8th round KO noong July 9, 2016.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nanalo siya kay Ghana’s Raymond Commey via unanimous decision, Thailand’s Aekkawee Kaewmanee via 4th round KO, Tanzania’s Mohammed Kambuluta via 4th round KO, Ghana’s Laryea Gabriel Odoi via 3rd round TKO, at Ghana’s George Krampah via 1st round KO.

Tangan ng pambato ng Maasin City ang career record na 31 panalo tampok ang 22 wins via KO.

Nasa tamang direksyona ng 25- anyos na si Pagara sa kanyang target na makabalik sa No.3 world ranking sa WBO upang makakauha ng pagkakataon na hamunin ang reigning titlist na si

Emmanuel Navarrete ng Mexico.

May apat na Pinoy ang nasa Tope 10 ng WBO rankings – sina Marlon Tapales (No. 1) at Juan Miguel Elorde (No. 2 both), habang si Santisima ay nasa No. 7.

Nakuha ng 28-anyos na si Sawangsoda ang WBC Asian Boxing Council Silver super flyweight title matapos magwagi via first round TKO kay journeyman Caem Rasmanudin ng Indonesia.

Nagapi siya ni Juan Miguel Elorde (28-1, 15 KOs), grandson ng boxing icon na si Gabriel “Flash” Elorde, noong July 15, 2018 sa undercard ng Manny Pacquiao-Lucas Matthysse bout sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Tangan ni Sawangsoda ang 12-3 marka, tampok ang 12 KO.