NAALIW na naman si Yours Truly sa mga bagets na naglaban-laban sa The Voice Kids season 4 na iniere nito lang Sabado ng gabi, lalo na kay bulilit Kurt Ceda na bumirit ng kantang Buwan ni JK Labajo na pati tuloy kami ay napaawit sa linyang “sa ilalim ng puting ilaw, sa dilaw na buwan…”
Kaaliw din si Jahris Gabayan na kumanta ng awiting Sarangola Ni Pepe.
Pero ang pinakastig na nag-perform ay ang eight years old na si Rockcille Baliton na kahit na medyo bungi ang ngipin sa unahan ay todo birit ng kantang Banal Na Aso, Santong Kabayo na nagpaikot sa tatlong coach ng show na sina Lea Salonga, Sarah Geronimo at Bamboo. Si Sarah ang unang nag-turn ng kanyang chair at sumunod naman si Lea. Ang rock icon na si Bamboo ang panghuli na crush pala ng bagets.
After ng birit song ni Rockcille ay una siyang binigyan ng standing ovation ni Coach Sarah, at sabi nito, “alam mo talagang gustung-gusto kita, eh. Kasi at a young age, hinog na hinog ka na. May ‘Aleng’ na-trap diyan sa maliit na katawan mo. Kasi natural na natural kung paano mo bibitawan yung salita, ‘yung mga linya ng kanta pati ‘yung galaw mo.
“ B a n a l na aso, ang galing. Pero sa tingin ko marami ka pang puwedeng gawin with your voice. Talaga namang matutuwa ang aking puso kung ako ang bibigyan mo ng pagkakataon na maging coach mo para matulungan ka na makarating tayo sa rurok. Rurok ng tagumpay.
“Siyempre, ang ating goal lahat ay ang tanghalin na maging the next ‘Voice Kids’ grand champion. ‘Yun ang pangarap natin.”
Pero in the end, Rockcille adorably gave her choice away when she described the coach she wanted to train under to be “pogi” na walang iba kundi ang huge crush nga niyang si Bamboo.
Baliton, who is being raised by her mother alone in Surigao City, was the only addition to the team of Bamboo nito ngang nakaraang Sabado.
Well, tignan na lang natin kung matutupad nga ang pangarap sa kanya ni Coach Sarah na maging The Voice Kids season 4 grand champion.
-MERCY LEJARDE