KUNG may tama mang ginagawa ang ABS-CBN ngayong krusyal at maligalig ang panahon, kitang-kita ito sa blockbuster movies ng Star Cinema at dinig na dinig sa panibagong rebirth ng Original Pilipino Music (OPM).

Anna (DINDO)

Madalas na naming isulat ang pelikula nila, kaya sa ABS-CBN Music ecosystem naman kami tututok ngayon.

Sa katunayan, hindi lang tama kundi brilliant ang ginagawa ng Star Music.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Nananatili itong bullish at masasabing hard-headed dahil halos ito na lamang ang natitirang recording company sa ating bansa.

Marami nang recording outfits na pinanghinaan ng loob sa noong una’y zero sales ng plaka o vinyl records at kalaunan ay sa bumagsak ring benta ng casette tapes at compact disc.

Utang ito ng network at ng OPM enthusiasts kay Roxy Liquigan, ang low profile pero genius na head ng ABS-CBN Music ecosystem.

Si Roxy ang tahimik na conductor sa likod ng maraming OPM hits ngayon.

May gumagaya sa brainchild niyang music festival, pero hindi makapantay.

Iniupo si Roxy sa Star Music habang isa-isang nalalagas ang local recording companies, kaya marami ang nag-akala na wala na siyang gaanong magagawa. Kabaligtaran ang nangyari.

Nag-hire siya ng pinakamahuhusay na musicians at top-notch composers at patuloy na tumutuklas ng bagong singers. Pagkaraan ng mabibigat na pagsubok, bumalik ang Pilipinas sa dati nating reputasyon na lahing mas tinatangkilik ang sariling musika kaysa dayuhan. Pinatunayan ito ng data na inilabas ng Spotify kamakailan.

Kahapon, kinontak ko si Roxy para hingan ng pahayag sa kanyang newest discovery na si Ana Ramsey. Yes, apo siya sa pinsan ni Elizabeth Ramsey at pamangkin ni Jaya.

“Negra” ang tunog ng soul music ni Ana at mas powerful na Moira dela Torre ang boses.

Inilunsad last weekend ang single na Tahan ni Ana kaya personal na namin siyang napanood at napakinggan. Maraming datihang singers siyang patataubin.

Tinanong ko si Roxy kung tama ang gut feel ko sa pagkuha niya kay Ana, na itataas niya ang level ng OPM at papunta ito sa international market.

“Hi Kuya Dindo! Yes, tatayaan ng Star Music si Ana Ramsey because sobrang magaling siyang kumanta at may stage presence. Marami kaming plano for her in the next few months,” pahayag ni Roxy.MOR DJ si Ana, paano niya nalamang kumakanta?“Yes MOR DJ siya,” sagot ng ABS-CBN exec.

“Narinig kong kumakanta ng original song niya sa radio show niya. Pinatawag ko agad at pina-record ang original song niya na ‘Di Na Pala Tayo.”

Makulay ang buhay singer ni Ana. Bago pa man naging DJ ay contesera, composer at rumaraket na siya sa hosting. Sumali siya noon sa Star Power: Sharon’s Search for the Next Female Pop Superstar at nanalo ng gold medal sa 2014 EuroPop Festival sa Germany.

Napapanood na ang music video ng Tahan sa iba’t ibang social media platform.

Laking lola si Ana, namulat siya sa mundo noong maliit pa na isinasama-sama siya ni Elizabeth Ramsey sa mga gig nito.

So, purely singing lang ba ang magagawa niya sa stage o susundan din niya ang brand ng entertainment ng kanyang lola?

“Konti lang po ang alam ko sa pagpapatawa, so hindi ko magagaya ang comedy ni Lola na talagang halos maluha na ang mga tao sa katatawa,” sagot ng baguhang singer.Ibig sabihin, ‘di niya kayang lumakad na nakabukaka?

“Naku, siya lang po ang makakagawa nu’n!” natawang sagot ni Ana.Subaybayan ang paglutang ng pangalan ni Ana Ramsey sa OPM!

-DINDO M. BALARES