KUMPIYANSA si 2015 Southeast Asian Games (SEAG) gold medalist Marella Salamat na makakasungkit ng gintong medalya ang Pilipinas sa cycling ng 30th SEA Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 10.

SALAMAT: Kumpiyansa sa SEA Games

SALAMAT: Kumpiyansa sa SEA Games

Ayon sa 25-anyos na si Salamat, matindi at puspusan ang paghahanda na ginagawa ng koponan para sa nalalapit na biennial meet, kung saan bahagi ng paghahanda sa kanilang nalalapit na pagsabak sa Tour de Femina UCI 2.2 na magaganap sa Malaysia ngayong Oktubre.

“Okay naman po ang training namin. Naka base kami now sa Olongapo po. Ccurrently preparing for an international race to be held this October, UCI 2.2 sa Malaysia po,” pahayag ni Salamat sa panayam ng Balita.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sinabi ng Dentistry student ng University of the East (UE) na si Salamat, kasama nilang nag-eensayo ang mga kalalakihan ng koponan upang magamay nila nang husto ang isa’t isa.

“Sa ngayon po sinasama po kami sa training po ng mga lalaki, so medyo mataas po ang intensity and nasisimulate namin lakas ng mga makakalaban namin among the Southeast Asian countries,” aniya

“Tapos malaking tulong din po yung nakakalabas po kami for races, para at least nagagauge po namin lakas ng mga posible po naming makalaban,” kuwento pa ni Salamat.

Sa kasalukuyan ay may tatlong siklista na ang siguradong makakasama sa pagsabak sa biennial meet, bukod kay Salamat, makakasama niya sa koponan si Jermyn Prado at Kate Velasco at isa pang siklista upang kumpletuhin ang 4-men team ng cycling.

“Di ko papo sure kung sino ‘yung pang 4th na ila-line-up po nila,” ani Salamat.

Aminado si Salamat na ang Thailand at Vietnamn ang dalawang bansa na malakas na makakalaban ng koponan para sa 11-nation meet ngunit tiwala siya na kakayanin ng koponan na makaungos sa mga nasabing bansa, para sa gintong medalya.

“Thailand and Vietnam po ang matinding mga kalaban, lalo na’t ahon po yung mga ruta. Sa events po, for men’s, alam kong makakaya po nila sa ITT and Team, sa mass start, seeing the conditions din po. given the previous races, mukhang nasa peak naman po ang mga players na nakaline up po. Sa amin naman po sa women’s, ITT and Road, kaya naman din po. Kailangan lang po training pa lalo, para in time po ang peak performance for December,” pahayag pa ni Salamat.

-Annie Abad