MAGSASAGAWA ng General Assembly ngayon ang  Philippine Olympic Committee (POC) sa unang pagkakataon sa ilalim ng pamumuno ng bagong halal na presidente na si Abraham "Bambol" Tolentino sa Diamond Hotel.

Nakatakda ang programa ganap na 9:00 ng umaga.

BUO ang suporta ng pamahalaan, sa pamamagitan ni Senator Bong Go at Sports Consultant Dennis Uy (kaliwa) sa pagsasanay ni Olympic silver medalist Hidilyn Diaz.

BUO ang suporta ng pamahalaan, sa pamamagitan ni Senator Bong Go at Sports Consultant Dennis Uy (kaliwa) sa pagsasanay ni Olympic silver medalist Hidilyn Diaz.

Tatalakayin sa nasabing pagpupulong ang pagtatalaga sa bagong Chef de Mission para sa 2020 Tokyo Olympics, ang pagtatalaga din sa Secretary General, Deputy Secretary General at iba pang kumite.

May lason? EcoWaste may babala 'di awtorisadong bersyon ng Labubu dolls

Nakatakda ding pag-usapan ang paghahanda para sa nalalapit na hosting ng bansa ng 2019 Southeast Asian Games, gayundin ang ukol sa pinansyal ng POC.

Kamakailan ay nagpatawag ng executive board meeting si Tolentino isang linggo makalipas na mahalal siya bilang Preisdente ng POC, ngunit walang naganap na quorum gayung hindi sumipot ang ibang miyembro ng board.

Dahil dito ay muling nagsagawa ng excutive board meeting ang naturang presidente noong Agosto 9 na kung saan ay dinaluhan naman ng 10 sa 13 miyembro ng board na ginanap sa mismong tanggapan ng POC sa Philsports sa Pasig City.

Bagama't  hindi naging maganda ang naging simula ng pamumuno ni Tolentino sa POC kung saan ay binoykot siya sa unang excutive meeting na kanyang ipinatawag, naging maayos naman ang lahat sa ikalawang pagkakataon.

Inaasahang dadalo ngayon sa naturang GA ang mga miyembro ng board at ang mag kinatawan ng mga national sports association (NSAs). Annie Abad