Asahan na ang mas mahigpit na polisiya ng Commission on Elections (COMELEC) hinggil sa pagbibigay ng akreditasyon sa party-list organizations.
Ito ay matapos ihayag ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na mas magiging mahigpit na sila sa pagbibigay ng akreditasyon sa mga partylist kasunod ng kontrobersiya na kinasangkutan ng Duterte Youth at ng first nominee nito na si Ronald Cardema.
"We are going to be strict, I am going to be strict now," aniya.
"If they do not meet the documentary requirements, or they lack the requirements, I will deny their registration," giit ni Guanzon.
Aniya, dapat sisihin ng mga grupo ng Partylist si Cardema at ang Duterte Youth para sa ipatutupad nilang paghihigpit.
"That is the outcome of this problem. Who will suffer as a result? The others. They should blame him (Cardema). Not us (COMELEC)," ani Guanzon.
Ayon pa sa opisyal, tinitingnan na rin nila ang posibilidad hinggil sa paghingi muna ng consent sa tao, sakaling gagamitin ang pangalan nito para sa pangalan ng isang grupo.
"I think these young people voted for that (Duterte Youth) group because of the name of the President," dagdag pa niya Guanzon.
Nitong nakaraang Linggo, idineklara ng Comelec First Division si Duterte Youth partylist first nominee Cardema bilang ineligible dahil sa pagiging overaged.
-Leslie Ann G. Aquino