HABANG isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang inilalabas ang Metro Manila Film Festival Execom kung okay na sa kanilang si Gabby Concepcion na ang leading man ni Kris Aquino sa horror movie na (K)Ampon na entry ng Quantum Films at Spring Films sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Kris at Bimby

Matatandaang pangalan ni Derek Ramsay ang unang isinumite ng Quantum bilang leading man ni Kris pero nag-back out ito kamakailan dahil hindi kaya ng schedule at nine days lang ang kayang ibigay, gayung 26 days ang kakailanganin para makumpleto ang pelikula.

At dahil ipinost ni Kris sa kanyang Instagram (IG) na si Gabby na ang leading man niya ay may mga narinig kaming feedback na, “sure na ba? Wala pa namang announcement ang MMFF.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ilang araw naming tine-text ang Quantum producer na si Atty. Joji V. Alonso tungkol kay Gabby at kailan lang kami sinagot.

“I’m sorry Reg, I can’t make a statement simply because we have to wait for the MMFF Execom’s decision on our request. Mali kung pangunahan ko sila because that would be disrespectful. I am just abiding by the rules. Salamat,” mensahe sa amin ng isa sa mga producer ng (K)Ampon.

Nabanggit namin na inanunsiyo ni Kris ang pagpalit ni Gabby sa role ni Derek sa kanyang IG account.

“I can only speak for myself as the producer. Kris is excited because she can’t wait to shoot,” katwiran sa amin.

Dagdag pa, “Don’t know when the next execom meeting will be. Meanwhile, we continue to work on the film’s completion and hope and pray our request will be granted.”

Tinanong din namin ang spokeperson ng MMFF na si Noel Ferrer at nabanggit niya na, “magmi-meeting pa Execom on that.”

Sa tingin ba niya ay papayag ang committee?

“Hindi ko alam, depende ‘yan sa letter ng production. Sine-set palang ang meeting.”

Sa sinabing “excited” si Kris na i-post na si Gabby na ang leading man niya ay masasabing magkahalong excitement at stress ang nararamdaman ngayon ng aktres at ipinaliwanag naman niya ito sa kanyang IG post bilang isa rin siya sa mga producer. “1. Derek Ramsay has a GMA network contract. Mahaba ang partnership nila ng Quantum Films, in fact for Atty. Joji he’s like a son. This led to arguments between Atty. Joji and myself because I felt like the ‘ampon’ since many adjustments were being made for @ramsayderek07.

“Derek and I have spoken. We go way back, 2004-2005 when we did our San Miguel Beer TVC. Nagkasagutan pero dahil may pinagsamahan - nagkaunawaan. I respect that he has a GMA network contract that should be his top priority. Chill kami. “We owe @popoycaritativo and @ concepciongabby big time. MMFF rules state change of lead stars should be of equal status. Had Gabby said no, wala nang movie, goodbye sa MMFF bond, sa pre-prod cost, sa mga downpayment etc. From my whole heart thank you.

“I am managed by @cornerstonesister company of @springfilms. We are co-investors in this movie. Kaya po financially, intellectually, and emotionally invested.

“Since Sunday inaayos lahat ng issues. Hindi ako bumitaw kasi maganda ‘yung script. My personal hurts I separated because I love my role, I am excited about the story & working with a new team and bawal sumuko. #mytruth #krisfeels.”

Umaasa rin ang lahat na sana ay pumayag ang MMFF execom na maging si na ang leading man ni Kris.

Samantala, bukas, Martes naman ang balik nina Kris at Bimby sa Pilipinas galing Japan.

-REGGEE BONOAN