PINAGTATAKHAN ng lahat, lalo na ng entertainment writers, kung bakit walang ginagawang move ang ABS-CBN para maisaayos ang social media war nina Bea Alonzo at Julia Barretto damay pati sina Gerald Anderson at Joshua Garcia.

Julia

Pawang talent nila ang apat, na dapat ay pinaghaharap-harap nila upang mapag-usapan at maplantsa ang problema.

Nagsimula ang lahat sa kuhang picture sa birthday party ni Rayver Cruz na magkasama sina Julia at Gerald na nai-post sa social media.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Nag-post si Bea ng reaksiyon na pangalawa na ito ni Gerald (marami ang nagsasabi na beauty queen ang una), “enough”, kaya naglabu-labo na ang espekulasyon ng netizens.

Mantaking pati si Raffy Tulfo nag-imbita na sa programa niya ayusin ang gusot. Sumikat si Raffy sa pag-mediate ng lovers na nagkakaroong ng third party bukod pa sa iba’t ibang domestic at employment concerns at abusadong law enforcers. Pati Supreme Court justice nakapag-post ng tanong kung worth it bang pag-agawan at pag-awayan nina Julia at Bea si Gerald.

“You nip it in the bud.” Ito ang rule sa tsismis at intriga. Kung ayaw mong may gulo.

Puwedeng maiwasan ang kontrobersiya, at damage sa reputasyon ng mga artista, kung magkakaayos na lamang ang mga taong concern habang nag-uumpisa pa lang ang alingasngas.

Hindi lingid sa kaalaman ng aming mambabasa na matagal na akong advocate ng pagbubuo ng mediation committee sa networks. Pero tila nagbago na ang patakbo sa naturang media outfit ngayon.

Hindi na uso ang peacemakers.

Namamasdan ng mga katoto na sa halip na magsagawa ng damage control ay ABS-CBN mismo ang nagre-report ng sagutan ng nagkakabanggaang kampo.

Mababasa sa mga komento ng netizens ang maraming haka-haka.

May nag-post pa nga na may connivance daw ang Dos sa pagpapahaba sa brouhaha sa anggulo ng pulitika.

Ang iba naman, inaakalang publicity lamang ito ng ilalabas na bagong pelikula nina Julia at Joshua.

May ilang nagsususpetsa na para sa ratings at likes o mileage sa social media. Anuman ang dahilan kung bakit willing ang ABS-CBN na bigyan ng “leg” ang isyu, sila lamang ang nakakaalam.

Kung sabagay, ikinaaaliw ito ng bansang mahilig sa tsismisan.

Pampalimot sa nakakamanhid nang napakaraming sapin-saping problema ni Juan dela Cruz.

Japan.

-DINDO M. BALARES