NAKOPO ni Christian Arroyo ng Cagayan de Oro City ang titulo via tiebreak sa katatapos na Non-Master 2100 and Below Rapid Chess Tournament na tinampukang Mind Games International Rapid Chess Championship sa League One South Gate Mall sa Makati City.
Sa katunayan si Arroyo ay nakisalo sa first-fourth places kasama sina Gary Legaspi ng Santa Rosa, Laguna, Narciso Gumila Jr. ng Pasig City at Normel Benigno De Jesus ng Tumana, Santa Maria, Bulacan sa paglikom ng tig 6.0 points sa Seven round Swiss System, 20 minutes plus five seconds delay time control event na inorganisa ng Mind Games International at sanctioned ng National Chess Federation of the Philippines.
Dahil sa pag angkin sa highest tiebreak points, nakamit ni Arroyo ang titulo at top prize P10,000 at trophy, tumapos si Legaspi ng second tungo sa P6,000 at trophy, lumagay si Gumila sa third sa pagbulsa ng P4,000 at trophy habang si De Jesus na chess coach ng St. John Academy of Bayanihan, Inc.Bambang, Bocaue, Bulacan ay tumapos ng fourth para sa P3,000 sa kanyang effort.
Nasilayan sa seventh at final round ay ang paghatian ng puntos nina Arroyo at Legaspi, ang pag-giba ni Gumila kay Marlon Berenguila at pagwasiwas ni De Jesus kontra kay Emil Chua.