Kinumpirma kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pitong Pilipinong tripulante ang kabilang sa 11 tripulante ng lumubog na Brunei-flagged fishing vessel Radims 2 sa karagatan ng Brunei, kamakailan.

Sa pahayag ng DFA, patuloy na mino-monitor ng Philippine Embassy sa Brunei ang pinakahuling impormasyon kaugnay ng insidente.

Ipinahayag ni Ambassador to Brunei Christopher Montero, puspusan ang pakikipag-ugnayan ng Embahada sa Brunei authorities para sa updates ng Brunei’s joint search and rescue operations katuwang ang Malaysia.

Aniya, nitong Linggo ay pansamantalang natigil ang search and rescue operations dahil walang natagpuang tripulante, maliban lamang sa dalawang nasagip.

National

Makabayan bloc, pinuna balak ni FPRRD na maging abogado ni VP Sara: 'Desperate political maneuver!'

Sa ulat ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) ng Embahada, nagkaroon ng huling komunikasyon sa pagitan ng may-ari ng Radims 2 at ng kapitan ng barko, nitong Agosto 7.

Simula noon ay humingi na ng ayuda ang Brunei’s National Search and Rescue Coordination Committee mula sa Malaysian Maritime Enforcement Agency upang hanapin ang mga crew member.

-BELLA GAMOTEA