Napasakamay na ng Makati City Police ang isang tattoo artist na tinaguriang No.1 Most Wanted Person sa lungsod, kahapon ng hapon.

Kinilala ang akusadong si Eugene Aquino, 28, binata, tattoo artist, ng No.54 Acacia Street, Barangay Cembo, Makati City.

Sa ulat, dinakip ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section sa pangunguna ni C/M/S Ronaldo M. Robles at Intelligence Section, ang akusadong si Aquino sa bahay nito sa No.128, San Miguel St., Bgy. Commonwealth, Quezon City, dakong 5:20 ng hapon.

Inaresto si Aquino sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 137 Judge Ethel Mercado-Gutay para sa kasong rape with frustrated homicide sa ilalim ng criminal case #19-03141-CR.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon pa sa report, inirekomenda ng hukuman ang halagang P120,000 na piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa custodial facility ng Makati PNP at nakatakdang ibalik ang warrant of arrest sa nasabing korte.

-Bella Gamotea