KASAMA si Jennica Garcia sa mga ipinakilalang experts sa iba’t ibang larangan ng Cignal TV sa launching ng One PH.

Ang hosts ng One PH programs kasama si Cignal TV President and CEO Jane J. Basas at si Ms. Gladys Lucas, head of Radio 5 Operations.

Ang hosts ng One PH programs kasama si Cignal TV President and CEO Jane J. Basas at si Ms. Gladys Lucas, head of Radio 5 Operations.

Ang Cignal TV ay No. 1 pay television provider ngayon at ang One PH ay bagong karagdagan sa exclusive line up ng news channels nito. Ang all-Filipino One PH news channel ang pangatlong Cignal channel sa ilalim ng One branding, nauna nang inilunsad ang English-language na One News channel at ang sports channel na One Sports.

Makakasama ni Jennica para magbigay ng parenting tips ang kanyang kapwa millennial mom na si Pat Fernandez sa Inay Ko Po show. Kahanay ng programa nila ang Magbadget Tayo na hosted nina Chinkee Tan at Christine Bersola-Babao at ang Usapang Kapa-TED na hosted naman ni Atty. Ted Te. Magbibigay ng financial literacy tips sina Chinkee at Christine at mga payo naman tungkol sa legal procedures ang forte ni Atty. Ted.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Tiyak na proud kay Jennica si Jean Garcia sa kanyang unica hija na bagamat paminsan-minsan lamang umarte sa TV at pelikula ay sumisikat naman bilang responsible parenting advocate. Aktibo si Jennica sa community ng millennial moms at siya ang creator ng Facebook group na MoriMom Sisterhood na mayroon nang 10,000 members sa ngayon. Layunin ng grupo ang pagbabahagi ng parenting tips sa mga baguhang nanay.

Marami ring sumusubaybay sa social media accounts ni Jennica na kadalasang tungkol sa simple living ng pamilya nila ni Alwyn Uytingco ang posts. Nag-viral kamakailan ang wedding celebration nila sa pamamalengke sa Divisoria. May dalawa silang anak, si Athena Mori na apat na taong gulang at si Alessi na isinilang last year.

Kahanga-hanga ang One PH na binigyan nila ng slot ang lumalawak na advocacy ni Jennica.

“One PH fur the r s our commitment to deliver reliable news and public affairs programs that matter most to Filipinos,” sabi ni Sienna G. Olaso, Cignal TV Vice President of Channel Management. “True to our goal to be ‘Ang Boses ng Pinagkakaisang Pilipinas’ One PH will be home to news programs that inform and educate, talk shows that inspire and entertain, and public service programs that will provide our fellow Filipinos a venue where they can seek help for their problems.”

P i n a n g u n g u n a h a n a n g programming block ng One PH ng noontime newscast na One Balita nina Raffy Tulfo at Jamie Herrell at ng primetime news na Sa Totoo Lang nina Cheryl Cosim at Jove Francisco. Mapapanood din ang pagtalakay sa top headlines nina Ed Lingao, Patrick Paez, Lourd de Veyra, Melvyn Calderon, Manny Mogato, at Jove Francisco sa Wag Po tuwing weekday nights.

May naiibang drama namang ihahatid tuwing tanghali ang Sumbungan ng Bayan na si Raffy Tulfo.

Sa sports at motoring enthusiasts, bahala sa inyo si Zaldy Perez sa Isport Lang at sina Mike Potenciano at Lindy Pellicer sa Turbo Time at si Jay Taruc sa firstweekly motorcycle show na Ride Radio.

Of course, para kumpletos rekados, may showbiz program na Take It Per Minute nina ‘Nay Cristy Fermin at Manay Lolit Solis kasama si Mr. Fu.

Ang One PH ay 24-hour news service sa Cignal Channel 6.

-DINDO M. BALARES