TAWA nang tawa ang unico hijo ni Cherry Pie Picache na si Nio Anton Tria habang pinapanood ang ina sa nakaraang celebrity screening ng pelikulang Call Me Tita, na ginanap sa Santolan Town Plaza, nitong Miyerkules..

call me tita

Liberated at problemado sa asawang si Jay Manalo, karakter ni Cherry Pie, kaya nu’ng nagpakita ng interes sa kanya ang chef ng restaurant na pag-aari niya ay hindi siya nakatanggi.

May kissing at bed scenes si Pie kaya panay ang tawa ng lahat lalo na ang kapwa Titas niyang sina Mylene Dizon, Angelica Panganiban, Joanna Ampil, Agot Isidro at Lorna Tolentino.

Pelikula

Vice Ganda, 'di papakabog? 'And The Breadwinner Is' sold-out na sa iba't ibang sinehan!

Dinig na dinig din namin na tinatawag ng aktres ang pangalan ng anak na tawa naman nang tawa. PG13 ang ibinigay na rating ng MTRCB at nasa tamang edad na si Nio kaya pinayagan siyang manood.

Hindi sarado ang isip ng bagets sa mga ganitong eksena ng ina bagkus ay proud siya dahil ang galing-galing na artista ni Pie.

Samantala, dahil 49 years old na si Cherry Pie ay talagang miyembro na siya ng Titas of Manila kaya tinanong siya sa nakaraang mediacon kung okay lang sa kanya na tawagin siyang ‘tita’, dahil si Agot ay ayaw, mas gusto niyang tawagin na lang siya sa first name.

“I don’t mind being called a Tita if it’s appropriate like sa age kung tama, pero minsan kasi ang hirap tanggapin kung hindi mo naman kilala tapos tatawagin kang Tita?

“Puwede namang hindi na lang, puwede namang Pie lang. Pero ‘pag close, ‘yung niece ko at friend niya even she’s 35-38, the same with her friends, they’re all call me Tita Pie, okay ‘yan and I welcome that, ‘yung may relationship. ‘Pero pag stranger, medyo (hindi), sana lang appropriate.”

At dahil medyo nagkaka-edad na ang aktres ay aminado siyang hindi na siya tulad ng dati na kapag may gustong gawin ay ura-urada kung kumilos. Ngayon ay may pag-iingat na.

“Dati kasi ‘di ba kapag may aabutin tayo, basta tayo tatayo at kukunin, ‘pag may dadamputin, yuyuko agad, ngayon hindi na pala gano’n, ‘pag dadampot ka, uupo ka muna saka mo kukunin hindi ‘yung yuko kaagad.

Paano naman napa-oo si Pie sa role niya na may sizzling scenes na ayon kay Direk Andoy Ranay ay physically challenging.

“Physically talaga? Actually pinag-usapan namin kasi nga may anak ako, magulang na. Hindi siguro ako nahirapan kung katulad sa ibang bansa na kapag actors, actors talaga, hindi katulad dito sa atin na ang audience parang hindi nila nadi-differentiate ‘yung salitang actor at sa personal life.

“Reason for my reluctancy ko do’n sa role, I am a mother. I have a son tapos sinasabi nga nila (Direk at co-actors) nila malaki na si Nio at regarding sa friends, maipapaliwanag na niya ‘yun.

“And then sabi ko, sige I embrace it kasi when will I do it, I’m 49, ‘di ba? Ayoko namang gawin ‘yun ‘pag 60 (years old) na ako. Plus ‘yung mga role ko na ginagawa recently, martyr na nanay gano’n, so I want to challenge also myself as an actor, so sa isip mo, laban, gano’n.

“No’ng first taping day, take five na tapos na principal’s office ako, tinawag ako ni Direk Andoy. Even though we’re friends, we stay professional on the set. Kapag nasa set, direktor namin siya at actors kami, gano’n kami mag-trabaho.

“Sabi niya, ‘you have to embrace it, pumayag ka na gawin ito. You have to owned it, embrace it kasi hindi maganda kung half bake’. Tapos na-inspire ako, I watch a series of Nicole Kidman kaya lalo akong na-inspire.

“Tapos you get inspired ‘di ba sa craft mo as an actor, ‘di ba lagi nating sinasabi na bakit sila (Hollywood) nakakagawa ng gano’n, lagi kaming may gano’n. Inggit.

“So now it’s our turn, it’s our chance. This is our opportunity to do it,” paliwanag ni Pie.

Anyway, tawa kami ng tawa sa Call Me Tita na isinulat ni Patricia Valenzuela-Kent at Noreen Capili na idinirek ni Andoy Ranay. Ang pelikula ay mapap a n o o d na s a Ago s t o 1 8 s a f r e e TV a t iWant a p p , g a n a p n a 9 : 0 0 n g g a b i , produced by Dr e ams c a p e D i g i t a l a t Heaven’s Best Entertainment.

-REGGEE BONOAN