MUKHANG hindi na natutulog si Atty. Joji Alonso dahil panay ang pasasalamat at share niya sa social media accounts ng mga rebyu ng mga nakapanood na ng pelikulang Belle Douleur, na unang directorial job niya.

Inamin ng abogadang direktora na sobrang kinabahan siya noong nasa entablado ng Tanghalang Nicanor Abelardo para ipakilala ang production team ng pelikula, at mga bidang sina Kit Thompson, Direk Marlon Rivera at Mylene Dizon.

Sa mediacon ng Belle Douleur na handog ng Dreamscape Digital at iWant, ay inamin ng direktora na abut-abot ang nerbyos niya nu’ng gabing iyon.

“Oo, totoo, lamig na lamig ang kamay ko noon. Dati kasi kapag nag-i-introduce ako ng pelikula hindi naman sa akin. Kung mayroong may ayaw, sasabihin ko, ‘ay nag-produce lang ako niyan, wala ako pakialam diyan’.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

“Eh ito (Belle Douleur) kasi kung ano ang kinalabasan ikaw ang sisisihin. Talagang kinabahan ako,” natawang sagot ng direktor/producer.

Nabanggit namin kay Direk Joji na halos pareho sila ng kuwento ng digital movie na Glorious nina Angel Aquino at Tony Labrusca na most viewed ngayon sa iWant.

“Hindi ko napanood at sadya kong hindi pinanood baka kasi sabihin nangopya ako. Ang totoo, nauna kaming mag-submit sa Cinemalaya kaysa nabuo ang ‘Glorious’ kaya you cannot compare talaga.

“We submitted September 2016 and when was ‘Glorious’, it was 2018. Saka May-December affair ito, so (magkakapareho halos ang kuwento),”pangangatwiran ni Direk Joji.

Nabanggit din namin na mas todo ang love scenes sa Belle Douleur kaysa sa Glorious considering na hindi naman dadaan sa kamay ng MTRCB ang digital movie nina Angel at Tony. Kaya iisa ang komentong narinig din namin, ang tapang niya.

“I cannot comment on that kasi baka naman iyon ang way of story-telling. I cannot comment,” sabi kaagad ng direktora.

Sabi namin, matindi ang huling love scene nina Kit at Mylene dahil naka-top shot si Direk Joji at nakahubad ang una na nakapatong sa huli habang nakataas ang mga paa nito.

“Pero walang nakitang part kay Mylene,”tugon nito.

Samantala, inamin din ng direktora na malaki ang naitulong sa kanya ng batikang scriptwriter na si Mr. Ricky Lee sa pagbuo ng pelikula.

“Si Ricky, I really asked for his help because he’s a good friend and well for me, hindi naman ito natuloy kung hindi dahil sa kanya, ang laki ng naitulong niya sa pag-improve ng script.

“So bilang pagtanaw ko ng utang na loob sa kanya, sabi ko, ‘Ricky may I make you an Executive Producer of the film and if the film makes some profit, some stroke of a miracle’. There will be a certain percentage that will be going to his workshop,” kuwento pa niya.

Pumasok naman ang Dreamscape Digital no’ng nabuo na ang pelikula.

“Nu’ng nagkausap kami with Dreamscape that they wanted to help me so, ako naman sobra naman akong grateful na gusto nila akong tulungan so, we made an arrangement that they will come as co-producer,” aniya pa.

At ang version ng La Vie en Rose nina Laura at Anton ay napanood lang ni Direk Joji sa YouTube.

“For me, it’s the best version, it’s an original sound recording (post sa youtube 2014). And I reached out to Laura and paid her fees. Ang mahal na binayaran ko, ‘yung rights ng kanta kasi that’s owned by so many companies, hindi ko alam kung ilan. Pero ‘yung OSR (original sound recording) hindi naman, very reasonable naman ang price,” pagtatapat ni Atty. Joji.

Mapapanood na ang Belle Douleur sa mga sinehan sa Agosto 14 mula sa Quantum Films, Dreamscape Digital at iWant.

-REGGEE BONOAN