BIBIDA ang mga tanyag na tuna products ng General Santos sa festival na gaganapin sa Jersey City, New Jersey, United States, sa Agosto 16.

Inihayag ni City Councilor Shandee Llido-Pestaño, ang tagapangulo ng council’s tourism committee nitong Miyerkules na ang pista ay pagdiriwang ng unang anibersaryo ng “city’s sisterhood with Jersey City”.

Binigyang palayaw na “GenSan Tuna Festival”, aniya ang mga bagong bagsak na isda sa lungsod ay matitikman sa pagdiriwang na gaganapin sa Owen Gundy Pier Exchange sa Jersey City.

Ang kasiyahan, kung saan tampok din ang mga “tribal royalty” gayundin ang “tribal dances and exciting Filipino entertainment’, ay inorganisa ng SocSarGen USA sa pakikipagtulungan ni Jersey City Mayor Steven Fulop, Municipal Council at Office of Cultural Affairs.

Pinirmahan ng pamahalaang panlunsod ang sisterhood agreement kasama ang Jersey City noong Agosto 14, 2018 bilang bahagi ng trade at cultural mission na pinamunuan ni dating Vice Mayor Shirlyn Bañas-Nograles, at nina Councilor Brix Tan at Pestaño.

“The historic signing is one of the highlights of the city’s achievements in international relations,” pahayag ni Pestaño.

Samantala, ibinihagi rin ni Pestaño na magtatatag ang pamahalaang panlungsod ng “sisterhood lane” sa kahabaan ng Pioneer Avenue dito, upang bigyang-halaga ang ugnayan ng dalawang lungsod sa iba’t ibang mga lokalidad sa bansa at ibayong dagat.

Dagdag pa niya, iwawagayway ang watawat ng Jersey City at ng iba pang sister cities sa isang special lane “in honor and recognition of their contributions to the development and progress of the area and its people.”

Nakipagbuklod na rin ang lungsod sa Quezon City, Iloilo City, Naga City, Canberra sa Australia, Hadano sa Japan at Monterrey sa Mexico.

PNA