PATI si Justice Marvic Leonen ay nakasubaybay at nag-comment na rin sa isyu nina Bea Alonzao, Julia Barretto at Gerald Anderson.
Tanong ng opisyal sa Twitter:
“Dear Bea and Julia, is he (Gerald) really worth it?”Siyempre, hindi sumagot ang tatlo, kaya ang netizens ang sumagot na Gerald is not worth fighting for at may nag-comment pa nga na naging national issue na ang panggu-ghosting ni Gerald kay Bea.
Si Raffy Tulfo naman, inimbita ang tatlo na mag-guest sa kanyang radio show para raw masolusyunan ang problema ng tatlo. Bukas daw ang kanyang show at may libreng kape at ice cream pa habang naghihintay silang sumalang sa radio. Naniniwala si Raffy na kung mapag-uusapan lang ng maayos, magkakaliwanagan sina Bea, Gerald at Julia.
Kaloka!
-Nitz Miralles