NAKOPO ni PH chess genius Al-Basher "Basty" Buto ang titulo ng Boys 10 and under division title sa standard play via tiebreak sa katatapos ng 4th Eastern Asia Youth Chess Championship kamakailan sa Asia Hotel sa Bangkok, Thailand.

Ang Grade 4 pupil ng Faith Christian School sa Cainta, Rizal ay nakisalo sa first-second placer Arjuna Satria Pamungkas ng Indonesia sa pagkamada ng 8 points sa 90 minutes + 30 seconds increment minutes time control sa event na inorganisa ng Thailand Chess Association.

IBINIDA ni chess protégée Buto ang gintong medalya sa Eastern Asia tilt.

IBINIDA ni chess protégée Buto ang gintong medalya sa Eastern Asia tilt.

Ngunit, nakuha ng pambato ng Marawi City na si Buto ang panalo via highest tiebreak points.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

"Congrats Al-Basher Buto you made the whole country proud and happy with your achievement," pahayag ni Atty. Cliburn Anthony A. Orbe ng Alphaland Corporation at director ng National Chess Federation of the Philippines.

Ito ang ika-tatlong gintong medalya ng Team Philippines sa torneo matapos magkampeon sa kani-kanilang division sina Ruelle "Tawing" Canino (G-12) ng Cagayan de Oro City at International Master Daniel Quizon (U-16) ng Dasmarinas, City, Cavite.

Samantala, nakasama ni Quizonsa team gold event sina Michael Concio Jr. ng Dasmarinas City, Cavite at Fide Master Alekhine Nouri ng FEU Fern-Quezon City sa Under-16 division.