MAY panibagong youth sensation ang manonopresa sa pagtulak ng Open Kitchen Rapid Chess Tournament na pinamagatang IM Joel Banawa Chess Cup sa Setyembre 1 Open Kitchen, Rockwell Business Center-Sheridan, Highwayhills, Greenfields District sa Mandaluyong City.
Sisimulan ang tournament registration dakong 8 ng umaga hanggang 10:30 ng umaga na susundan naman ng simple opening ceremony.
Ang format ay seven-round Swiss System na may time control 10 minutes plus ten seconds increment na isinagawa bilang pagbi-bigay pugay sa namayapang si IM Rolly Martinez na suportado nina Ms. China Aurelio at Ms. Mimi Casas ng Open Kitchen, Phoenix Chess Academy, Mr. Danilo Ebao ng Three Knights Printing Services, ChiliJuan, Mr. Arturo Turbanada, Mr. Jeffrey Dimalanta at ni Ms. Emz Forrosuelo ng Otsuka-Solar Philippines Inc. (Pocari Sweat).
Ating magugunita na si Angele Tenshi Biete, Grade 8 pupil ng De La Salle Santiago Zobel School, ang nagwagi sa Open Kitchen Kiddies 14 Years old and below Rapid Chess Championship matapos talunin si Ritchie James Abellada sa final round.
Tumapos si Biete ng 6 wins at 1 loss sa seven outings na kaparehas ng puntos na naitala ni Jeremy Marticio sa National Chess Federation of the Philippines one-day sanctioned tournament nitong Hunyo 1.
Ang Chief Arbiter ay si FNA Alexander "Alex" Dinoy habang ang assistant ay sina national arbiters Alfredo Chay, Miel Bautista, Israel Landicho at Byron Villar ng Chess Arbiter Union of the Philippines.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay Mr. Genghis Katipunan Imperial (0926-251-4205).