ISYU sa boxing at karate ang tatalakayin sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ngayon sa National Press Club sa Intramuros.

VOLLEY COACH! Masayang nakiisa sina Philippine Volleyball Federation president Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada (gitna) at managing director Otie Camangian sa pagtatapos ng coaching seminar ng PVF na nagresulta sa pagbibigay ng accreditation sa 33 bagong coach sa volleyball. Bukod sa pamamahagio ng sports equipment sa mga estudyante sa pampublikong eskwelahan, nagsasagawa ng coaching clinics at seminar ang PVF para maturuan ng tamang pamaraan at world-standard program.

Inaasahang magbibigay ng kanyang saloobin hingil sa nalalapit na laban si boxing idol Mark “Magnifico” Magsayo na sasabak kontra Thai veteran Panya Uthok para sa WBC Asia featherweight championship sa Agosto 31 sa Bohol Wisdom School gym sa Tagbilaran City.

Ilalahad naman ni Karate Pilipinas Sports Federation, Inc. president Richard Lim ang tagumpay ng National Team sa katatapos na 39th Karatedo Gojukai Int’l Championship sa Singapore, gayundin ang gaganaping 7th Karatedo Goju-kai Asia Pacific Championship sa Lapu-Lapu City sa Sept. 27 hanggang Oct. 1.

Carlos Yulo, Aira Villegas at Nesthy Petecio, natanggap na house and lot incentives!

Makakasama ni Magsayo sa lingguhang sports forum ganap na 10:00 ng umaga at itinataguyod ng Philippine Sports Commission, National Press Club, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Community Basketball Association at H&G Guyabano Tea Leaf Drinks ni Mike Atayde, ang maybahay at manager niyang si France.

Magbibigay din ng kanilang pahayag sina Games and Amusements Board (GAB) Boxing and other Contact Sports officer-in-charge Jackie Lou Cacho sa naganap na consultative meeting/dialogue.

Mapapanood ang programa ng live sa Facebookvia Glitter Livestream.