NAWALAN ng balanse sa dribble si Jason Castro ng TNT Katropa habang dumedepensa si Chris Ross ng Sam Miguel Beer sa isang tagpo ng kanilang laro sa Game 2 ng PBA Commissioners Cup Finals. Naitabla ng Beermen ang serye sa 1-1. RIO DELUVIO

NAWALAN ng balanse sa dribble si Jason Castro ng TNT Katropa habang dumedepensa si Chris Ross ng Sam Miguel Beer sa isang tagpo ng kanilang laro sa Game 2 ng PBA Commissioners Cup Finals. Naitabla ng Beermen ang serye sa 1-1. RIO DELUVIO

Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

7:00 n.h. -- TNT vs. San Miguel

(best-of-seven)

National

'I love PH, but our government is a joke!' Bea Borres, pagod na sa politika ng bansa

Game 1 TNT-SMB (109-96)

Game 2 SMB-TNT (127-125)

UNAHAN na maka-angat sa serye ang asam ng magkatunggaling TNT at San Miguel Beer sa muli nilang pagtutuos ngayong gabi sa Game 3 ng kanilang best-of-7 series sa 2019 PBA Commissioner's Cup Finals.

Ganap na 7:00 ngayong gabi ang ikatlong sunod na tapatan ng Katropa at ng Beermen sa Araneta Coliseum.

Naitabla ng Beermen ang duwelo sa 1-1, matapos ang kanilang 127-125 na pag-ungos sa Katropa noong Game 2 sa larong inabot ng dalawang extension periods.

Naniniwala si coach Leo Austria na nakatulong sa kanila ang karanasan sa mga nakalipas na tournament.

“I have to commend the players – they never gave up. I think the experience in the championship, yun ang makapagsabi: ang experience nila,” wika ni Austria.

Para naman sa Katropa, natuto naman sila sa mga nangyari at handa silang itama ang mga naging pagkakamali sa susunod na laro.

"Experience rin sa’min tsaka sa mga young guys. Yes marami kaming pagkakamali, pero lesson learned,” ayon kay TNT ace guard Jayson Castro.

Isa sa inaasahang mag-aadjust sa mga naging kaganapan noong Game 2 ang import nilang si Terrence Jones na na-thrownout sa laro dahil sa dalawang technical fouls. Marivic Awitan