NAKAKATUWANG tingnan na magkasama sa iisang litrato sina Christian Bautista at ang ex-girlfriend niyang si Rachelle Ann Go kasama ang asawa nitong si Martin Spies sa London.

received_412729976254032

May event ang GMA 7 sa London at bilang magkaibigan naman sina Rachelle Ann at Christian ay binisita niya ang ex kasama ang manager niyang si Carlo Orosa.

Base sa caption ng litrato, “LOOK: @xtianbautista got the chance to reunite with @gorachelleann during last Monday’s ‘Hamilton’ show. They were joined by Rachelle’s husband, Martin.”

Matet De Leon, ibinuking kung anong klaseng ina si Nora Aunor

Base naman sa mga litratong naka-post sa FB page ni Carlo ay hindi namin nakitang may litratong magkasama sina Christian at Rachelle Ann lang.

May nagsabi namang, “baka magselos asawa ni Ian (tawag kay Christian).”

Sabi namin, hindi naman siguro dahil kasama naman ni Rachelle Ann ang asawa niya.

-Reggee Bonoan