DINUMOG ng Pinoy basketball fans ang dinaluhang programa nina National Basketball Association legend Muggsy Bogues at Denver Nuggets star Monté Morris, kabilang na ang NBA 3xPhilippines at pagbisita sa Vivo concept store kamakailan sa SM Megamall Cyberzone sa Mandaluyong City.

Kabuuang 260 players sa men’s and women’s division ang nakilahok sa NBA 3X Philippines 2019, sa pagtataguyod ng AXA. Ang 3-on-3 basketball tournament ay batay sa FIBA 3x3 format and rules.
Sinamahan ang dalawang NBA personalities nina NBA Philippines Managing Director Carlo Singson, Global Marketing Partnerships Director Mae Dichupa, NBA Asia Business Development Director Hubert Ling at Global Marketing Partnerships Senior Manager Renzo Robles; at Vivo Philippines Vice President of Operations Zeng Kai, Vivo Philippines Vice President of Sales Hazel Bascon, at Vivo Philippines Trade Marketing Director Michael Wang.
Sa 2018-19 season, naitala ni Morris ang averaged 10.4 points, 2.4 rebounds, at 3.6 kada laro. Na-draft siya noong 2017 matapos maglaro sa D-League. Kabilang naman si Bogues sa pinakamaliit na player sa kasaysayan ng NBA. Nagpalipat-lipat siya sa Washington Bulles, Charlotte Hornets, Golden State Warriors at Toronto Raptors, matapos mapili sa ika-12 overall ng Washington Bullets sa 1987 NBA Draft.
Denver Nuggets’ Monté Robert Morris and legendary NBA veteran Tyrone Curtis "Muggsy" Bogues smile as a fan takes their groufie using his Vivo’s elevating selfie camera.
Sa nakalipas na mga taon, kasama na sa programa ng Vivo ang pangangasiwa sa sports, tampok ang paglagda ng kontrata sa NBA na matatapos sa huling buwan ng naturang panahaon sa matatapos sa huling buwan ng 2019.
Sa kasalukuyan, may 2 milyon na Pinoy ng gumagamit din Vivo, isa sa Top 3 smartphone sa bansa.