DUMALO kami ng Sister’s Day Celebration ng Megasoft sa StarMall, Alabang last weekend at masayang hinandugan ng Kapamilya actress na si Myrtle Sarrosa ng kanyang awitin ang mga supporters niyang dumayo pa sa nasabing lugar.

Kasama nitong nagbigay aliw sa event sina It’s Showtime Hashtag Ryle Santiago, rapper artist Young JV at Manobo tribe balladeer at WCOPA medalist na si Aljun Cayawan.

Sa aming panayam sa Kapamilya actress, nabanggit sa dalaga ang pagtatangaka nitong makuha ang Darna role na eventually ay napasakamay ng isa pang Kapamilya star na si Jane de Leon, dati ring member ng GirlTrends ng It’s Showtime.

Bago pa ang experience na makipagsapalaran sa Darna role, dati nang bumida si Myrtle sa isang super-hero action film na Wander Bra na ipinalabas last year sa mga sinehan, kaya sinasabing fit siya for an action role.

Tsika at Intriga

Mariz Umali nilinaw isyung tinawag niyang 'matanda' si Atty. Medialdea

Hindi naman siya affected for not having chosen to play Darna?

“Alam naman nating one in two hundred percent ang chance,” bungad ni Myrtle.Lahat naman daw ng talents ng iba’t ibang networks, nakita niyang sumali sa audition. “So it was really competitive. Ano kasi, andami naming nag-audition. Ibinigay sa amin ‘yung script, tapos pina-act sa amin. Wala naman silang comments na binigay.”

Better luck next time, sabi ng ilan niyang supporters.

“Happy naman ako for Jane (De Leon),” na itinuring niyang kaibigan sa ABS-CBN.

“Hindi pa kami nagkasama sa isang program pero magkasunod ‘yung show namin before, ‘yung ‘WattPad’ . Saka before noon, nakita ko na ‘yung struggles niya na gusto talaga niya ‘yung ginagawa niya at nakikita ko rin siya na nag-o-audition sa ibang teleserye dati.”

Sakaling magpatawag ng audition for Valentina role, willing ulit siyang magbakasakali?

“Oo naman,” sabay ngiti.

Tungkol naman sa kanyang personal life, matipid ang actress-celebrity endorser sa pagbibigay update sa kanyang lovelife.

Aminado naman siya na mayroon siyang idini-date na non-showbiz guy at going on a year na raw sila.

“Okay naman kami. Um-attend kami ng event sa ibang bansa, may friend kami na nagpakasal. Ayoko ng pag-usapan,” sabay paumanhin.

Nabanggit din ng aktres ang kanyang promo para sa pelikulang Block Z kasama ang ex-lovers na sina Joshua Garcia at Julia Barrettotto.

“Isa akong zombie dito, unang zombie na mamamatay,” sabay tawa.

No’ng hingan siya ng opinyon tungkol sa hiwalayang JoshLia, umiwas na itong sumagot.

“Ayokong mag-comment sa lovelife ng ibang tao. Friend ko si Julia, ilang beses na rin kaming nagkasama pero hindi ko inalam ang tungkol sa lovelife niya,” pagtatapos ni Myrtle.

-ADOR V. SALUTA