FOUR months before 2019 ends bago magiging very busy si phenomenal star Maine Mendoza. These past few weeks ay nagkasunud-sunod ang renewal of endorsements ni Maine habang may photo shoot at mediacon naman siya para sa mga bagong endorsement.

Ngayon ay sabay naman niyang gagawin ang dalawang pelikula. Nauna nang nagsimula ang shooting ng Isa Pa With Feelings kasama ang bagong leading man, si Carlo Aquino, under Blacksheep Productions. Bago sila nagsimulang mag-shoot, nagkaroon muna sila ng workshop ni Carlo para makapag-adjust sa isa’t isa dahil first time lamang nilang magkakatrabaho.

Sisimulan na rin ni Maine shooting ng pelikulang Mission Unstapabol: The Don Identity, na official entry sa 45th Metro Manila Film Festival (MMFF) sa December. Ang pelikula ay ididirek ni Linnet Zurbano at ipo-produce ng APT Entertainment at M-Zet Production. Kasama niya rito si Bossing Vic Sotto.

Dahil sobrang busy ay nag-sorry din si Maine sa kanyang fans.

Pagbabalik ni Sharon Cuneta sa kaniyang 'real heart'

“Kaya sorry po kung madalang na ninyo akong mapapanood sa ‘Eat Bulaga’ dahil magsasabay po ang shooting ng dalawa kong movie, may taping pa ako every Tuesday ng sitcom naming ‘Daddy’s Gurl’, ani Maine.

“Pero basta libre po ang araw ko, magri-report pa rin ako at mapapanood ninyo ako sa ‘EB’. Sana po ay hindi ninyo ako makalimutan.”

-Nora V. Calderon