AFTER four months of shooting, promotion at showing ng Hello, Love, Goodbye na first team-up nina Alden Richards at Kathryn Bernardo for Star Cinema, na kumita na ng mahigit 300 million sa first week of showing pa lang, balik-taping na si Alden ng bago niyang teleserye sa GMA Network.
First day kahapon ng taping ni Alden ng The Gift. Working title pa lang ito, pero parang bagay naman ito sa role na gagampanan ni Alden sa serye na ididirek ni LA Madredejos. Hahamunin muli ang husay sa acting ni Alden dahil gaganap naman siyang bulag ngunit nagagawa pa ring makakita dahil may third eye siya.
Bilang paghahanda, nag-aral si Alden ng Braille writing para sa mga bulag. Mas malalaman pa natin ang character ni Alden ngayong nagti-taping na sila.
Kasama rin sa serye sina Jean Garcia na gaganap na ina ni Alden, Elizabeth Oropesa; Jo Berry na guardian ni Alden; Christian Vasquez; Rochelle Pangilinan, na first serye niya matapos magsilang ng first baby nila ng asawang si Arthur Solinap; Ysabel Ortega, na isang beauty queen; Thia Tomalla; Divine Tetay; at Martin del Rosario.
Today naman, August 8, ang alis ni Alden kasama si Kathryn para dumalo sa international screening ng Hello, Love, Goodbye sa Dubai at Abu Dhabi.
Balik-taping si Alden pagbalik nila galing UAE.
-NORA V. CALDERON