PANIBAGONG karangalan ang inihatid para sa mga taga-Bacolod, matapos ang matagumpay na palabas ng mga mananayaw ng MassKara Festival sa “happiest place on earth” o Disneyland Park sa Anaheim, California nitong katapusan ng linggo.

Labis na pinalakpakan ang palabas, ayon kay dating councillor Em Ang, na siyang namumuno ng Bacolod City Trade and Tourism Mission to USA 2019.

Ang MassKara team ay ang unang grupo ng mga Pilipino na nakapagpalabas sa Disneyland Performing Arts sa California Adventure Land, nitong nakaraang linggo.

Ang grupo na kinabibilangan ng sampung miyembro ay ginagabayan ni Segundo Jesus “Panoy” Cabalcar, kasama sina Joedem Casabuena, John Rey Alulod, Richard Lopez, Mark Philip Lamirez, Argie Tacadao, Airick Bayking, Joenel Buenaventura, Nestle Ramirez, Alvin Cardiente at Junel Caagoy-Yap. Limang mananayaw mula sa Long Beach ang sumali sa palabas.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

“We are very happy to perform in Disneyland. This is historic since we were the first Filipino group to perform here,” pahayag ni Casabuena na iniayos ng Bacolod City Public Information Office.

Ang show ng Disneyland ang isa sa mga kasunduan ng MassKara dancers sa California, kung saan ang kalakalan at turismo ng lungsod ng Bacolod ay ipinagmamalaki sa pagtatanghal ng Masskara Festival. Ginaganap ito tuwing Oktubre, at magiging ika-40 pagdiriwang na ito ngayong taon.

Nagpalabas din ang grupo sa San Francisco Filipino Cultural Center sa San Francisco. Sinamahan sila rito ng isang grupo mula sa labas ng Estados Unidos upang makapagtanghal matapos itong mabuksan muli.

Nitong Agosto 2, naitampok sila sa Gala Night ng “MassKara Festival in Long Beach” sa Marriott Hotel, at sa Trade, Travel and Consumer Expo, na itinaguyod ng Asian Journal Publications, sa SouthBay Pavilion ng Carson City nitong Agosto 3.

Nitong Hunyo ngayong taon, ang MassKara Festival dancers ay gumawa ng kasaysayan matapos maging pinakaunang mga banyaga na nagtanghal sa Maduhee Festival sa Ulsan City, South Korea.

Ang delegasyon mula Bacolod ay ang tanging banyagang nakapagtanghal sa 2019 na edisyon ng piyesta.

Isang buwan bago ito, nagtanghal din ang mga mananayaw sa Daegu Colorful Festival at itinanghal na Best Foreign Group sa halos 21 na nagtanghal sa foreign category, na isa sa limang kategorya ng piyesta sa Daegu City, South Korea.

PNA