MILING nagkansela ng mga laro kahapon ang pamunuan ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) para sa Season 95 Men’s Basketball Tournament.

Dahil sa naantala na namang suspensiyon ng klase sa lahat ng antas sa buong Metro Manila, ang mga larong nakatakda mula 10:00 ng umaga ay kinansela rin ng NCAA Management Committee.

Kasabay ng ginawang anunsiyo ng ManCom sa pamumuno ni chairman Peter Cayco ng season host Arellano University, naglalaro ang juniors squads ng Letran at CSB-La Salle Greenhills kung kaya itinuloy na lamang ito hanggang sa matapos.

Lahat ng tiket sa nasabing mga nakanselang mga laro ay maaaring magamit sa petsa kung kailan ang mga laro ay muling itatakda.

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

Kabilang sa mga larong nakansela ay ang salpukan ng Letran Knights at St.Benilde Blazers, ang bakbakan ng San Beda at Mapua at ang sagupaan ng Arellano Chiefs at San Sebastian Stags.

-Marivic Awitan