HINDI binura ni Regine Velasquez-Olcasid ang comment ng isang Pinoy na nanood ng ASAP Natin ‘To na ginanap sa Bay Area, San Francisco na nadismaya sa kanyang performance. In capital letters pa ang pagpo-post ng netizen para siguro ipaalam na talagang disappointed siya kay Regine.

“I WATCHED YOUR PROD WITH THE DIVAS. YOU SANG ON THE ‘WINGS OF LOVE’ AND YOU DID NOT HIT THE RIGHT NOTE. FOR THOUSANDS OF FILIPINOS WHO PAID THEIR TICKETS COMING FROM THEIR HARD EARNED MONEY YET YOU GAVE THEM THAT PERFORMANCE! NAKAKAHIYA KA! FINALE KA PA? ‘DI MO NAMAN MAABOT! Pweeh! ‘Wag ka na lang kumanta!”

Sinagot ng Asia’s Song Bird ang komento: “Wow natawa lang ako. I guess kasalanan ko rin naman kahit madaling kanta pinapahirap ko. So ‘pag hindi ko ibinirit disappointed na ang ibang mas mataas pa sa boses ko ang expectations. Alam mo iba’t iba ang bawat pagkanta, minsan depende sa kondisyon ng katawan at boses ng isang mang-aawit ang kalalabasan ng kanyang performance.

“Pero tama ka, no excuses. Pinaghirapan n’yo ang perang ipinambayad n’yo para manood so you guys deserve only the best. At alam naming lahat ‘yan kaya naman kahit may sakit, walang boses, naki-pag break sa jowa, namatayan ng pet at kung ano pa man, we always give it our best 101 percent.

Relasyon at Hiwalayan

Pampabuwenas? Atong 'tinuka' si Sunshine sa cockfight

“But unfortunately we still managed to disappoint some of you. Sa maniwala kayo o hindi, bago n’yo pa na-decide na disappointed kayo, super disappointed na kami sa mga sarili namin. To the point of blaming ourselves for getting sick or not practicing enough or not being able to sleep working so hard or not eating enough or in my case, eating too much and the emotional battle we all have inside.

“Why didn’t I do this? Sana ginalingan ko pa, sana nag-practice pa ‘ko. But again, no excuses. We all do what we do because we all love to entertain all of you.

“Natutuwa kami na sa maikling panahon na pagsasama natin, napatawa, napaindak, napasayaw, napaiyak na napa-in love namin kayo. Na sa maikling panahon ay nakalimutan nating lahat na may kanya-kanya tayong pinagdadaanan.

“But thank you for letting me know that I was so bad. I will do my best next time. Kasi lagi namang may next time, laging may next time to redeem myself. ‘Yan naman ang maganda sa life, laging may next time. God Bless.”

Ang daming nagtanggol kay Regine gaya nina Vice Ganda, Karla Estrada, Janno Gibbs, Angeline Quinto, Agot Isidro, Mark Bautista, John Arcilla, Kakai Bautista, Jaya, Jed Madela, Katrina Velarde, Candy Pangilinan, at Kris Lawrence.

Pati si Gelli de Belen ay napa-comment ng, “Grabe oh! Didn’t have to be so hurtful. I have no words.”

Ito naman ang komento ni Ogie Alcasid bilang pagsuporta sa asawa: “My love, we are always proud of you because you sing to the one who gave you the voice. You honor him with what you have and you give it your all. He in return never judges and will never put us down because in his eyes we are exceptional. You are #exceptional my love @reginevalcasid.”

-Nitz Miralles