MATIKAS ang ratsada ng Team Philippines, sa pagtataguyod ng Table Tennis Association ofr National Development (TATAND), sa katatapos na 1st Hornbill Cup International Table Tennis Championship sa Sarawak, Malaysia.

TANGAN ni Team manager/player Charlie Lim (ikalawa mula sa kanan) ang tradisyunal na banga sa awarding cvremony ng 1st Hornbill Cup International Table Tennis Championship sa Sarawak, Malayisia. Tumapos ang Nationals (mula sa kaliwa) Alexis Bolante, Philip Uy at Paul Que, sa quarterfinals ng torneo na nilahukan ng limang karibal sa SEA region.

Ginapi ng Nationals – binubuo nina Alexis Bolante, Paul Que, Philip Uy at Charlie Lim – ang Sinten-Singapore, 3-2; Sarawak-Malaysia, 3-2 at WIB-Malaysia, 3-0, sa elimination round bago nabigo sa Xiom-Indonesia, 0-3.

Sa kabila nito, nakausad ang PH-TATAND Team sa quarterfinals kung saan nakaharap nila ang Sarawak Orange-Malaysia kung saan naungusan sila sa kabuhok na 2-3 desisyon.

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

“Kudos to our players. Talagang lumaban ng husto. Talagang breaks of the game lang ang naging desisyon,” pahayag ni Lim, tumayo ring team manager.

“Special mention also to Alexis (Bolante). Mahusay at matindi ang laro niya. He lost once during the elimination, laban sa Indonesia na naging overall champion” aniya.

Anim na bansa – Thailand, Myanmar, Singapore, Indonesia, Philippines at host Malaysia ang sumabak sa apat na araw na torneo.